Dallas Arthemis Columbus POV
Isang mainit na yakap ang ibinigay saakin ni Dirk matapos ako nitong balutin muli ng isa pang makapal na kumot sa harapan ng Christmas Tree na tinatayo't dinedesenyuhan na nila Mishi.
"Hot chocolate?" Alok na bulong nito sa kanang tainga ko ng mainit na tsokolate sa tasa nito matapos nitong umupo sa likuran ko sa sahig at ikulong ako sa magkabilang hita nito na mas mayakap pa ng maigi.
"Happy Birthday." Tanggap ko sa tasa nito at lingon ng bahagya dito upang bigyan ng isang mariing halik sa pisngi.
Lihim na napangiti panga ako ng makita kong suot din pala nito ang pulang knitted sweater tulad ko na ito pa mismo ang nanahi para saaming dalawa.
Couple sweater daw namin yun na very special pa rin matatawag dahil siya daw ang nanahi.
Ang pinagkaiba lang ay itim na pants ang itinerno nito pangibaba habang puting high waisted pants naman ang saakin.
Parehas din kaming nakaputing rubber shoes na ako naman ang namiling bilin ng mag shopping kaming dalawa kahapon.
"How did you remember?" Tanong nito sa tainga ko ng mahina.
"I didn't." Pagtatapat ko. "Kuya Dreyd just told me na birthday mo nga daw ngayon." Simpleng sagot ko.
"How did he know?" Tila mas naguluhang tanong nito.
"Ask him." Natatawang sagot ko.
Kung ganun sinasabi ba nito saakin na lihim lamang ang totoong birthdate nito?
Pambihirang lalake talaga ito!
"He's my best friend-cousin so maybe nabanggit ko nanga yun sakanya once na hindi ko lang matandaan ngayon." Kibit balikat na teorya na lamang nito sabay yakap muli saakin ng mahigpit habang parehas naming pinagmamasdan ang pagtatayo sa Christmas Tree.
"Ang laki ng punong nakuha niyo ah?" Puri ko dito.
Ito kasi kasama nila Granddad, Uncle Jean, Kuya Dreyd at Noctis na hindi ko alam kung bakit umaaligid-aligid muli sa pamilya ang pumutol ng malaking pine tree na ito.
Sa tingin ko, Grey and I succeeded na mapaglapit muli si Mishi at Noctis.
Hopefully...
Anas ko pa sa isip sabay lingon sa pusa kong tulog na tulog ngayon sa paanan namin ni Dirk.
"The bigger the better." Simpleng sagot nito.
BINABASA MO ANG
The Devils King 3
RandomMatapos masaktan ni Dallas mula sa hindi magandang nangyari sakanya sa Novaliz ay pinili na lamang niya ang kalimutan na ang lahat kasabay ng pamumuhay ng normal sa piling ng kanyang pamilya sa Eos. Subalit anong kakulangan nalang ang naramdaman niy...