Chapter 15

87 12 5
                                    




Dallas Arthemis Columbus POV


"Eh bakit naman hindi mo man lang pinigilan umalis." Himutok ni Mommita.


"Ang akala pa naman namin ay kasalan na ang susunod na mababalitaan namin." Dugtong pa ni Mummy.


"Kasalan!?" Bulalas ni Mishi. "My God! Sinong may sabing mag-aasawa pa ako!? Besides, pabayaan na muna natin si Derit sa buhay niya. He's a businessman for pete's sake! May buhay siya na dapat asikasuhin at ganun din ako." Dugtong nito sabay balik sa pagkaing ginagawa nito.


"Duda ako." Si Kuya Dreyd na kanina pa tahimik habang nakikinig sa usapan. "Talaga bang kayo na ni Derit?" Tanong nito.


"Duda ka pa ba!?" Si Mishi na halatang nag-init ang ulo sa tanong ni Kuya Dreyd.


"Oh teka muna... Chill lang!" Awat ni Zellie.


"I am cool." Depensa agad ni Kuya Dreyd.


"So am I!" Si Mishi na mukhang taliwas naman sa ginagawa ang sinabi.


"Ah, basta at nakakalungkot pa rin." Si Mommita. "Dibali sana kung siguradong-sigurado na tayo na hindi niya tayo iiwanan kaso..." Si Mommita.


"Hindi naman siguro, Mommita." Si Uncle Jean. "Sa palagay ko ay mukhang desenteng lalake naman si Derit." Dugtong nito.


Desente!?


Huh!


Kung alam lang nila na jinowa ng ate ko ang lalaking makailang ulit na akong hinagkan.


Inis na bash ko sa isip.


"Ikaw Ate Arth? Bakit kanina ka pa walang kibo diyan? Iniisip mo pa rin ba kung susunod kana lang sa suhestiyon ni Ate Misha?" Bigla ay tanong saakin ni Zellie.


Sukat dun ay lumipat saakin ang atensyon ng lahat na animo'y ako naman ngayon ang magiging sentro ng matinding usapin.


"Halasiya!? Tignan niyo at parang naliligaw nanaman siya sa topic natin! May sarili talagang mundo yang si Ate Arth." Naiiling na wika ni Zellie.


"Huwag nalang muna natin intindihin ang kalokohang ginawa mo kung yun ang dinadamdam mo ngayon." Si Granddad na tila hindi na ganun kainit tulad kanina. "Ayos ka lang ba?" Tanong nito pagkuwan.


"Bakit Arthemis?" Si Mummy. "May masakit ba ulit sayo? Gusto mo bang dalin ka namin ulit sa Novalian Hospital dito?" Tanong nito.


"Or ipatawag si Sagfar perhaps?" Rekomenda ni Kuya Dreyd.


The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon