Chapter 1

771 11 0
                                        


"Dyan ang kwarto mo. Okay? Katabi lang naman ng kwarto kaya kung may kailangan ka, just knock. Magluluto lang ako!"

"Salamat Alice! Love you girl!" sigaw ko. Nilibot ko ang tingin sa kwarto at talagang hindi ako maka-move on.

Mas malaki pa 'to sa sala namin sa bahay at may sarili pang CR. may maliit na TV at table with chair. May closet din para sa mga gamit.

Kulay pastel pink ang wall at ang tiles ay white. May maliit na chandelier at curtains na yellow gold.

Sobrang pasasalamat ko talaga kay Alice. Ang ganda nito!

Inayos ko na ang aking mga gamit at maging ang ayos ng kwarto. Masyado kasi akong maarte sa kwarto, sa totoo lang.

Makalipas ang isang oras ay napaupo ako sa kama sa sobrang pagod. Napangiti ako sa kinalabasan. Maluwag na lalo ang kwarto.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas 'yon.

"Musta ka na dyan? Kain na tayo, nakaluto na ako."

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Okay lang! Sobrang ganda at laki ng kwarto na 'to for me. Sobra na 'to, Alice." Pinisil niya ang pisngi ko at sumimangot sa akin.

"Ano ka ba! Wala lang ito kumpara sa mga ginawa mo sa akin. First is pagligtas sa akin noong may snatcher. Then, sa study ko! Half sister kita, one fourth bestfriend, and one fourth tutor sa lahattttttt! Kaya mwa!" Napapikit ako nang halikan niya ang aking pisngi nang ilang ulit.

Bigla kong naalala 'yung muntik na siyang manakawan ng bag. Mabuti na lang at may dala akong baseball bat kaya napalo ko sa paa 'yung lalaki. Isa kasi akong student council president at baseball player.

"Pero salamat pa rin. One day, masusuklian ko lahat ng 'to. Basta I love you!"

"And I love you too! Drama natin, ikaw kasi. Tikman mo ang adobo ala Alice! Dali!"

Napairap na lang ako sa kalukahan niya. Habang pinapapunta niya ako sa kusina ay napatitig ako kay Alice. Napakabait at masayahin ni Alice. I'm so lucky to have her as my sister. Not by blood but my soul and heart.

"Hoy! Gandang-ganda ka na naman sa akin. Alam kong pretty ako, guys on the clubs always tell that to me. Kumain na nga tayo," natatawa niyang sabi.

Medyo wild si Alice, kaya lagi ko siyang binabantayan. Baka kasi kung ano-anong gawin.

Namangha ako sa mga nakahanda sa mesa. Adobo, sinigang, fruit salad at kanina. May tubig at orange juice rin. Masyadong marami 'yon para sa amin.

"Ang dami naman, baka masayang."

Binigyan niya ako ng plato at inirapan.

"Kasi naman, training mo na bukas. And kailangan mo ng energy! And you will start to diet. Kaya lubusin mo na, baka ma-miss mo kumain ng mga meat," paliwanag niya.

Oo nga pala, bukas na 'yon. Nakatulala akong sumusubo ng pagkain. Nami-miss ko na agad si nanay.

Kaya ko ba ito? Isang linggo na wala ako sa bahay...

"Hoy! Hindi ba masarap? Pero masarap naman you know. Pinag-aralan ko naman 'yan a-"

"Wala naman akong sinasabi na iba, baliw. Iniisip ko lang kung..."

"Kung kaya mo ang training? Nami-miss mo si tita?"

Tumango ako dahil totoo naman.

"Baka nakakalimutan mo girl, para kay tita itong ginagawa mo. So, need mo talaga magsakripisyo. Okay? Kumain ka dyan para ready ka na bukas. Maaga tayo para mag-jogging so, be ready." Kinindatan niya ako at tumayo siya para ilagay sa lababo ang pinagkainan.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon