SANDRA
Nakarating kami sa SM Trece dahil 'yon ang pinakamalapit. Maganda naman dito so, I think okay lang.
"Linggo nga pala, kaya ang daming tao," mahinang sabi ni Zaki habang palingon-lingon. Mukha siyang alien na ngayon lang nakakita ng tao.
"Oo hijo, karaniwan naman kasing pahinga 'yon at family day ng mga tao. Ano ba ang trabaho mo hijo?"
Oo nga ano, hindi ko alam kung anong trabaho n'ya bukod doon sa bar. Baka manager siya sa bar na 'yon.
Nakatingin ako sa kay Zaki habang Nag-iintay ng kanyang sagot dahil curious din ako. Kinapkapan kami ng guard at si Mang Lester naman ay Nagpa-park ng kotse. Susunod na lamang raw siya sa amin.
"Uhm, co-owner po ako ng isang bar. Tatlo po kaming may share, 'yun lang po," nahihiyang sabi n'ya.
Wala namang masama sa trabaho n'ya kaya hindi ko alam kung bakit siya nahihiya. Iniwas niya ang kanyang tingin akin. Ang gulo rin ng lalaking ito, grabe.
"Aba, maganda 'yang may trabaho at hindi patambay-tambay lang. May bisyo ka ba, anak?"
Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. Sa katunayan, ako talaga ang bisita at si Zaki ang anak. Opo, ako po ang bisita.
"Pag-iinom lang po, hindi po ako nagamit ng vape, sigarilyo, drugs, marijuana, or kahit ano pa pong pinagbabawal nanay," paliwanag niya.
"Hindi naman talaga halata sa'yo Zaki. Tama na nga 'yan, daig niyo pa ang magnanay, a. Saan ba tayo pupunta?" singit ko at tinawanan lang nila akong dalawa.
"Nagseselos ka ba Sandra? Sinusulit ko lang na kasama natin si nanay. Sa'yo pa rin ako hanggang sa huli!" At kinindatan pa ako ng loko.
"I'm not, medyo lang pala nagseselos dahil hindi n'yo ako sinasali sa usapan niyo," pagsusungit ko. Nagpatuloy ako sa pagsunod kay Zaki dahil hindi ko talaga. alam kung saan kami pupunta.
"Sandra anak, may bisyo ka ba?" biglang tanong ni nanay. Nanlalaki ang mata kong tinuturo ang sarili ko. Mukha ba akong may bisyo? Jusko!
"Ako nanay? Sure kayo diyan? Syempre nainom lang ako, pero slight lang. Good girl ako!"
"Tinanong ko lang baka mahili ka kay Zaki," sabi ni nanay kaya inis ko itong nginusuan. Idagdag mo pa ang mahinang tawa ni Zaki. Ang bad influence ni Zaki sa nanay ko.
Okay, sila talaga ang mag-ina.
***
"Ayoko nga niyan Zaki! Hindi ako nagsusuot ng ganyan," inis kong sabi kay Zaki. Kanina pa ako nahihiya kay Zaki dahil hawak niya lang naman ang nighties.
"Really? Baka naman nahihiya ka lang, libre ko 'to."
Hinampas ko siya sa kanyang braso kaya naman napangiwi siya. Ang kulit niya talaga, hindi naman talaga ako nagsusuot ng gano'n. Pajama lang, ay okay na ako.
Padabog akong naglakad palapit kay nanay na napili ng mga damit.
"Nanay, 'wag mahal piliin mo ha! Nakakahiya kay Zaki, ang mahal pa naman dito sa Bench," saad ko habang napili ng sumbrero. Ang cuteeee!
Isinukat ko 'yon at tumingin sa salamin. Ang ganda talaga ng black!
"Bagay sa'yo!"
"Ay pukenang mo!" sigaw ko.
"Ano ba Zaki? Para kang kabute na basta na lang nasulpot!" Napatampal ako sa aking noo dahil sa nasabi ko. Nakakahiya! Shete naman o!
"H-Hanapin ko lang si nanay!" utal. kong sabi at akmang aalis na nang maramdaman ko ang braso n'ya sa aking bewang. Nasa dulo kami at walang gaanong tao rito. Mabuti na lang at walang makakakita sa amin.
