Chapter 29

182 6 0
                                        

Huminga ako nang malalim at binasag ang katahimikan na bumabalot sa amin ni Zaki. Mukhang hindi lang ako ang nabigla sa daddy n'ya.

Katatapos lang namin kumain ng dinner dito sa unit n'ya dahil gusto n'ya raw ako ipagluto.

"Zaki, mukhang ayaw sa akin ng daddy mo." Mariin n'ya akong tiningnan kaya napasandal ako kanyang couch. Hindi pa man kami pero mukhang may pipigil na sa amin.

Natatakot ako, baka palayuin ako ng daddy n'ya katulad nang napapanood ko sa teleserye.

Naramdaman ko ang paghawak n'ya sa aking kamay kaya napatingin ako sa mga ito.

"Don't worry hindi ko hahayaang masira n'ya tayo. About business lang din naman ang habol n'ya sa akin, kaya huwag kang matakot. I'm here, remember?"

"Oo nga, pero kasi... " Bakit ba kasi ang hina ng loob ko? Huwag kang matakot Sandra, nagpakita lang siya sa inyo pero walang sinabi na maglayo kami.

"Let's not talk about it. Anyway, I have a good news for you. But for me, it's a bit bad news." Agad akong humarap sa kanya at dumagdag pa ang kaba na aking nararamdaman.

"Ano 'yon? Dali!"

"Okay, the Summertime Magazine is now sold out." Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Ano namang kinalaman ko sa magazine na 'yon?

"Okay, base on your expression you don't know that magazine." Napakamot ako sa kilay dahil hindi ko naman talaga alam, pero pamilyar dahil naririnig ko na sikat ata 'yon.

"So, ano na nga? Alam mo Zaki gabi na, uuwi na ako sa kabila." Akmang tatayo ako pero hinila n'ya ako paupo sa kanyang hita.

"Z-Zaki!" sigaw ko sa gulat.

He chuckled and put his chin on my shoulder. I can feel his breath on my neck. Nakakakiliti ito kaya hindi ko mapigilang kurutin ang kanyang braso na nakapalibot sa aking bewang.

"Ikaw ang cover ng magazine na 'yon, kasama mo ang kaibigan mo. Hindi ba? You can't remember the shooting in Palawan?"

Natigilan ako at napatayo sa harap n'ya. Totoo ba 'yon? Sold out?!

"Sigurado ka ba? Can I see the picture? Hindi ako naniniwala!" naiiyak kong sabi. He gave me a magazine and I think I will collapse later.

I can see myself on the front page. Ang ganda ko sa picture na 'to. Akala ko isisingit lang ang picture ko at kay Dia ang ilalagay sa unahan. I can't believe it!

"Mabuti na lang at nakaabot pa ako bago ma-sold out. Matagal ng sold out 'yan, ngayon ko lang nasabi. Nag-pi-print na sila ngayon for second batch. I'm so proud of you, baby. I told you, you can do it!"

"I-Is this really me? Zaki, gisingin mo ako!"

Niyakap n'ya ako at bumuhos ang luha ko. This is my first achievement as a model. Hindi ko mapigilang matuwa dahil na-sold out 'yon. Hindi ko man nasisiguro na dahil sa akin o dahil kay Dia ay masaya pa rin ako dahil bahagi ako nito.

"It's really you, learn to trust yourself, baby. Kaya mo naman kasi, ayaw mo lang maniwala. See, nagawa mo! I'm so proud of you!"

Muling bumuhos ang aking luha sa aking narinig at pinahid agad ito. Huminga ako nang malalim at muling tiningnan ang magazine.

"B-Bakit nga pala bad news ito for you?"

"Slight lang naman, mas dumami na kasi akong kaagaw sa'yo. I asked the head of Sollana Publishing and most of the buyers are male. I'm afraid na makikita kitang maraming bitbit na regalo," magkasalubong ang kilay na sabi n'ya. Napatawa naman ako at paharap na umupo sa kanyang hita.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon