Chapter 26

180 5 0
                                        

WARNING: The next scene is not appropriate to 15 and below. Please don't do it if you're not 18 and above. Just read and don't you dare do it. Be a responsible reader. :))

Nakatitig ako sa puntod ni ama habang naluluha. I really miss him lalo na kapag nagke-kwento ang pamilya namin tungkol sa kanya.

Sayang nga lang at hindi ko naranasan na matikman ang lucky me na may upo na niluluto n'ya. Naalala ko no'n lagi n'ya akong hinahatid sa. school tapos isang beses uwian na kami wala pa siya sa labas ng school. Umiyak ako nang umiyak sa labas ng school habang naglalakad. Tinatawag pa ako noon ng isang tindera na roon muna ako sa tindahan n'ya maghintay habang wala pa si ama.

Lagi kami sa kanya nabili ng mga pagkaing baon ko kaya kilala ko siya pero hindi ako nakinig sa kanya. Nagdire-diretso ako hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng pinto namin at kumakatok. Tinawag ko si ama at katatapos lang pala na maligo at gulat na gulat siya kung paano ako nakauwi. Mula noon ay nauwi na ako mag-isa. Isa 'yon sa pinakamemorable na pangyayari sa buhay ko.

Nagpunas ako ng luha at huminga nang malalim. Masaya kami rito ama, pero mas masaya sana kung nandito ka. Bantayan mo kami lagi ha? Si nanay pa naman ay matigas ang ulo at ayaw paawat sa pagtitinda.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Jai sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.

"Tahan na, masaya sigurado si tito. Mahal na mahal ka n'ya, alam mo 'yan." Napatango ako at pinigilan ang pag-iyak. Sigurado kasing maiiyak din si nanay at malulungkot siya.

"Anak, nakabili na ako ng posporo, o. Sindihan mo na," utos ni nanay at iniwas ko ang aking tingin para hindi n'ya makita ang namumula kong mata. Nanginginig na hinawakan ko ang kandila at iniabot kay Jai ang posporo. Hindi ko kayang gumamit no'n dahil sa panginginig ng kamay ko.

Nilagay ko iyo sa puntod at pinanood ko si nanay na ilapag ang bulaklak na binili namin kanina.

Makalipas ang kalahating oras na pagke-kwentuhan ay naubos na ang dalawang kandila. Ang isa naman na malaki na galing sa akin ay nangangalahati na. Umalis na rin kami dahil tanghali na at hindi pa kami nakakain.

"Saan tayo kakain?" tanong ko at sumakay na sa trycicle ni Jai.

"Sa bahay na lang, may dala kagabi si Zaki, hindi pa naman ubos. Tara na!" Natahimik ako sa sinabi ni nanay. Hindi ko pa rin ma-contact si Zaki at mamaya pag-uwi ko ay titingnan ko siya sa condo unit n'ya o kaya sa bar. Gusto ko talaga siyang makausap, tingin ko ay nasaktan ko siya. Dahil ba pinaaalis ko siya? Hindi ko na naman siya pinilit noong huli at nagpaalam na lang muna ako kay Jai. Tapos malalaman kong wala na siya.

Habang nakatingin sa dinadaanan namin ay may kasalubong kaming truck na naglabas ng kulay itim na usok. Agad akong inubo at tinakpan ko ang ilong ko. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib kaya napahawak ako. Ganito talaga ako kapag inuubo, nasakit ang dibdib. Kahit sino naman basta ang ubong-ubo ka.

Uminom ako ng tubig at malalim na huminga nang ilang beses. Ang sarap i-report ng mga ganoon sasakyan. Paano na lang 'yung may mga lung disease? Edi nakaperwisyon pa sila.

Makalipas ng isang oras ay nakauwi na kami sa bahay. Dumeritso ako sa kwarto para ilagay ang bag ko at nag-alis ng maong jeans. Hindi ako komportable, mas gusto ko ang cotton pants.

"Anak, nakahain na ang pagkain. Bumaba ka na agad," tawag ni nanay na nakasilip pala sa pintuan ng kwarto.

"Opo, aayusin ko lang po ang bag ko." Tumango ito at nauna nang lumabas.

Pagkatapos kong mag-ayos ay tumungo na ako sa mesa at alam kong hinihintay nila ako. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.

"Ano bang oras ang alis mo anak? Pahatid ka kay Jai sa terminal para kampante ako," tanong ni nanay. Uminom muna ako ng tubig bago siya tiningnan.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon