Chapter 28

186 5 0
                                        

Naghihintay ako ngayon ng masasakyan pauwi. Hindi ko matawagan si Zaki dahil alam kong busy siya sa daddy n'ya. Pagod na pagod ako at hindi ko alam kung paano ako uuwi.

Una kasing natapos ang shoot nina Ruby at Dia kaya maaga silang nakauwi. Hindi ko na sila pinaghintay dahil nakakahiya rin.

"Sandra?" Napatunghay ako sa nagsalita at nagkaroon ako ng pag-asa nang makita si Jai.

"Jai! Nandito ka pala, kamusta?"

"Okay lang, pauwi na ako, e. Ikaw? May hinihintay ka pa ba?"

"Naghihintay lang ako ng masasakyan," sagot ko.

Ngumiti siya sa akin at inakbayan ako.

"Tara! Sabay na tayo, gabi na rin." Tumango ako sa kanya at inayos ang dala ng bag ko. Hinila n'ya ang kamay ko papunta sa kabilang side ng kalsada nang may maramdaman akong humawak sa braso ko.

"Alexandra, let's go." Humarap ako at napaawang ang labi nang makita na si Zaki pala 'yon.

His eyes is sharp like it could cut your body into pieces. I can't help it but to swallow hard. I know that I don't have any problem with him.

"Oh, ang iyong kaibigan!" bati ni Jai na sinundan pa nito ng tawa.

"Don't start at me, asshole! Let's go, baby it's late." Pinalibot niya ang kanyang matipunong braso sa aking bewang. Agad na nagdulot ito ng kakaibang kiliti.

"O-Okay!" Humarap ako kay Jai at malungkot akong ngumiti.

"I'm sorry, maybe next time? I—"

"There's no next time, baby," mariing saad ni Zaki kaya ang ngiti ko ay nauwi sa ngiwi.

"Ingat ka!" sigaw ko na lang at nginitian si Jai. Kumaway lang siya sa akin at naglakad na papunta sa jeep.

Naglakad na kami patungo sa kotse ni Zaki at sinamaan ko siya ng tingin.

"You're so rude, Zaki. Walang ginagawa sa'yo si Jai," sermon ko pero nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha. Napabuntong hininga na lang ako at nagsuot ng seatbelt.

I heard that he sighed and I just looked away. I know that I can't change his attitude.

"Sorry, naiinis lang ako sa lalaking 'yon. I know he has a thing on you." Nanahimik lang ako at tumingin sa may bintana. Hindi pa kami ay ganito na siya. Paano na lang kung kami na? Baka hindi n'ya na ako palapitin kay jai, at hindi pwede 'yon dahil ako lang naman ang kilala rito ni Jai.

Naramdaman ko itinigil ni Zaki ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya.

"Tara na, late na rin. I'm tired," mahina kong sabi at umiwas ng tingin.

Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay n'ya na humaplos sa kamay kong nasa hita ko.

"Sorry, next time I will keep quiet and try not to be rude to your... friend." Mabilis akong tumingin sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. Baka niloloko n'ya lang ako, alam kong inis talaga siya kay Jai.

"Promise!" Itinaas pa ang kanyang kamay kaya napatango ako.

"Okay, let's see. Mag-drive ka na, alam kong pagod ka na. Bakit mo ba kasi ako sinundo? Kaya ko naman... "

"Na-miss kita e, tsaka kung hindi ako dumating ay ang kaibigan mo ang kasabay mo. I'm fine, because I saw my strength." Kinagat ko ang aking labi para pigilin ang aking pagngiti. Ang galing talaga magpakilig ng lalaking ito.

"Kilig ka?"

"Hindi! Ang mais mo nga e, hindi ka man lang nag-isip ng bago," kunyaring masungit kong sabi kaya agad na nagsalubong ang makapal n'yang kilay.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon