WARNING: R15
SANDRA
"May hinihintay kang text or tawag, girl? You're looking to your phone every second." Napakamot ako sa aking gilid ng noo. Kanina ko pa kasi hinihintay ang tawag ni Zaki. It's already 10 in the evening and I don't know where he is. We're having a midnight snack and movie marathon to chill. Trabaho na naman kasi bukas at miss ko na itong si Alice.
"Hinihintay ko kasi ang text or tawag ni Zaki," mahina kong sagot. Sinubukan kong tawagan pero walang nasagot.
"Iba na 'yan ha! Feel ko inlove ka na," tukso n'ya kaya inirapan ko siya.
"Huwag ka nga riyan, marunonh ka pa sa akin. Puso mo 'teh?"
"I suggest na puntahan mo sa kabila, neighbour lang natin remember? Gosh!" Oo nga ano? Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Napailing na lang ako at tumayo para lumabas.
"Pupuntahan mo? Goodluck! Mag-kiss sana kayo then you'll say the three magical words! Yey!" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Alice.
"You're hopeless, Alice. Humanap ka na nga ng boyfriend, nalululong ka na naman sa K-Drama." Tuluyang ko siyang tinalikuran at napatawa.
I'm sure gaganti sa akin ang lukang 'yon. Lumakad-lakad muna ako sa harap ng unit ni Zaki para mag-ipon ng lakas ng loob.
"Go, se—"
"Alexandra?" Napatalon ako sa gulat napahawak sa dibdib. Shete, nakakagulat!
"H-Hi! You're Andrei right?" Tumango siya sa akin at ngumiti. Lumabas ang mapuputing ngipin na lalong nagpagwapo sa kanya. I bet there's so. many women who want him.
"Mabuti at naalala mo? Anyway, you're here for Zaki?"
Tumango ako at napakamot sa kilay. Nakakahiya! Siguradong nahuli n'ya akong palakad-lakad habang nabulong sa aking sarili. Hindi naman n'ya siguro ako pinag-isipan na haliw, right?
"Tamang-tama at may problema kami. He is drunk right now at hihingi sana ako sa staff ng tulong for medicine. Tsaka nahihirapan kami kay Zaki kung paano siya lilinisan," paliwanag n'ya. Nabalot agad ako ng pag-aalala. May event ba siyang pinuntahan? Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga.
Napalingon ako sa pintuan dahil may naririnig akong mga ungol.
"Uhm, try kong tingnan kung ano ang maiitulong ko." Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at sumalubong sa akin si Jace na nagmumura.
"Gago ka Zaki, tumihaya ka! Damn you, how can I unbutton your polo? Napakahina kasi! Weak!" Napangiwi na lang ako sa mura n'ya. Pinanood kong itihaya ni Jace si Zaki at muli akong napangiwi nang makita na mukhang nahihirapan talaga siya. Lunapit na ako sa kanila at tinulungan siya.
"Nandito ka pala babes ni Zaki, tumulong ka at kasalanan mo rin naman." Nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi. Ako? Ano ang kinalaman ko?
"Jace! Your damn mouth!" sigaw ni Andrei. Napakamot ng ulo si Jace at ipinaltok ang bimpo na tumama sa mukha ni Zaki kaya dali-dali n'ya itong inalis.
"Sorry na, pero totoo naman! At least may katulong na tayo, hindi ko yata kayang hubaran at punasan si Zaki."
"You're so gay, alis nga!" inis na sigaw ni Andrei samantalang ako ay tahimik na nanonood sa kanila. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung paano ako naging dahilan. Inalala ko ang nagawa ko kanina. We're okay in unit, not until on the... phone? Hindi kami gaanong nakapag-usap kasi binaba ko agad. Doc Axel told me something about financial assistance. Tumanggi ako dahil nakakahiya, nagpupumilit siyang magpahiram ng pera.
"Damn," rinig kong bulong ni Andrei habang tinitingnan ang suot ni Zaki. Maaring naiilang sila na alisan ng damit si Zaki. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.
