SANDRA"N-Nanay... "
Ramdam ko ang sakit sa aking dibdib at lalamunan. Lambot na lambot ako at hindi agad maimulat ang mata.
"Sandra! Damn!" rinig ko sa hindi ko makitang tao. Pamilyar ang kanyang boses pero hindi ako sigurado. Ginalaw ko ang aking paa at kamay para makaramdam.
Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto kaya nagutla ako. Naramdaman ko na lang na may humahawak sa aking mata at idinidilat ito. May nakakasilaw na tumama sa aking mata, sa tingin ko ay flashlight. Doctor Axel?
"Ms. Sandra is now awake. Be careful to her because of her new heart. It's not fully healed, we need a very long time for a recovery. Also being comatose for two months affect her body. Alam kong mahihirapan siyang gumalaw dahil sa tagal na siya ay nakahiga. We need a therapy for her, even a simple exercise can help. Doctor Axel had an emergency in Cavite that why I'm here to be his substitute. Anyway, I will back here later to check her." Bulungan ang mga narinig ko kaya naman pinilit kong buksan ang aking mata. Namamanhid ang aking lalamunan kaya hindi ako makapagsalita.
I don't know what's happening. All I know is I'm alive and my operation was successful.
Unti-unti kong minulat ang aking mata at bumungad sa akin ang puting kisame. Malabo pa pero nang paulit-ulit kong ipikit ay luminaw na. Nilibot ko ang aking mata at nakita ko si nanay, kasama ang mga kaibigan ko.
Nakangiti sila sa akin at naluluha. Lumipat ang tingin ko kay Zaki na nakatitig sa akin. Hindi n'ya ata namamalayan na natulo na ang kanyang luha.
Bigla n'ya itong pinunasan at ngumiti sa akin na para bang wala akong nakita. My babe...
"N-Nanay, t-tubig po," utal kong bulong dahil masakit ang lalamunan. Base sa narinig ko kanina ay dalawang buwan akong na-coma, kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.
"Anak, eto o! Okay ka lang? May masakit? 'Yung dibdib mo? Gutom ka?" sunod-sunod ni nanay na tanong kaya napangiti ako. Hindi pa rin siya nagbabago. My mother is still the best girl in the world. Super caring!
I gazed to her eyes that is full of emotions that I can't read. But I know she's happy. I happy too, nakayanan ko ang operasyon. Nakabalik ako for nanay and my friends.
Hindi pa ako umuupo dahil para akong nanlalambot. Sa tingin ko ay medyo mahihirapan akong gumalaw.
"K-Kamusta?" tanong ko kina Jace at Andrei. Si nanay at Alice ay bumaba dahil may mga bibilhin pang gamot. Si Zaki naman ay pumuntang CR.
Ngumiti sila sa akin at nagbukas ng chips. Dahil sa aircon ay agad na na-amoy ko 'yon. Gusto ko rin sana pero dapat healthy ang kainin ko for fast recovery.
"Okay lang naman, na-miss ka namin kasama, lalo na sa bar. Kung hindi mo naiitanong, mas lalo akong naging guwapo. Pansin mo ba?" Napatas ako kay Jace. Hindi pa rin siya nagbabago, sobrang daldal at masayang kasama.
"Pansin ko nga, may dalawa kang pimple sa noo," pang-aasar ko kaya napasimangot siya.
"Bakit mo naman binilang?! Kapag ito dumami, ikaw sumagot sa derma ko ha! Nagkaroon ako ng pimple kasi sa puyat, minsan dito kami natutulog para may kasama ang aking medyo bestfriend na si Zaki," kwento n'ya pa kaya nakaramdam ako ng guilt.
"Pasensya na kayo, alam kong maraming problema ang dinala ko sa inyo. Babawi ako promise, kapag okay na ako. Simula ngayon, okay lang kahit hindi na kayo bumisita. I'm okay now!" Ginulo ni Andrei ang buhok ko.
"Ayan ka na naman, tigilan mo 'yan. Tandaan mo lagi na kaibigan mo kami, lahat ng ginagawa namin ay walang kapalit. Ginagawa namin 'to kasi mahal ka namin, hindi ka problema. Thankful pa nga kami na kasama mo kami sa challenge na 'to sa'yo. Hmm? Take care of yourself," nakangiting sabi ni Andrei habang ako ay nakaawang ang labi. Hindi ko inaasahan na ganito ang tingin nila sa akin.