Chapter 19

210 6 0
                                        


Kabado ako ngayon habang nakasakay ng eroplano. Sa sobrang aga naming umalis papuntang Palawan ay hindi na ako nakapagpaalam kagabi kay Alice. Pagod na pagod kasi ako sa mga rehearsal ng tamang posture at paglakad.

Mamayang pagdating na lang ako tatawag kay Alice at maging kay nanay.

"Hey, relax lang! You know, I trust you that's why I chose you. Nagkaroon kasi 'yung model ng emergency na dapat kasama ko sa Palawan. Sorry again!"

Nginitian ko siya at bahagyang tinampal ang braso.

"Wala 'yon, na-e-excite ako na kinakabahan. Iisipin ko na lang ay unang challenge ito sa akin. Thank you sa opportunity!" Nginitian lang ako ni Diamond at kinindatan bago pumikit. Siguradong pagod siya dahil inayos niya ang mga kailangan ko papel.

Napalingon ako kay Diamond nang bigla itong humarap sa akin.

"You know what, maraming gwapo sa Palawan. I'm sure magkaka-interest ka na sa boys! I'm excited na!" kinikilig niyang sabi at may pagpalakpak pa.

"Wala akong oras para roon Diamond. Sakit lang sila sa ulo, kabado na nga ako sa gagawin ko mamaya maiisip ko pa kaya ang ganyan? Mabuti ikaw sanay na, ako newbie pa lang. I really hope na hindi ako pumalpak, Diamond." Hinampas ako ni Diamond kaya naman napangiwi ako. Ang bigat ng kamay niya kaya naman ang sakit ng braso ko.

"Kaya mo 'yan, I trust you. Anyway, mahaba pa ang oras natin, you should sleep or rest. Okay?" Tumango ako pinanood si Diamond na matulog. Makalipas lang ang ilang minuto habang nakatitig sa may bintana ng eroplano ay napahikab na ako.

Hindi talaga ako sanay sa ganito lalo na at first time ko 'to. Napapikit na lang ako at hinayaang hilahin ng antok.

***

"Sandra! Sandra! Wake up!"

Napamulat ako nang maramdaman ko na may tumatapik at tumatawag sa akin. Nakita ko si Diamond na nakangiti sa akin.

"We're here in Palawan! Let's go!" masaya niyang sabi at kinuha ang bag namin.

Bumaba kami ng eroplano at ginawa ang mga kailangan gawin. Namataan namin si Manager Cyrel na mukhang iniintay kami. Mabait ito at isa siyang gay. Sobrang galing daw nitong humawak ng model at maganda. Noong una ay inakala ko siyang babae, mabuti na lamang ay sinabi sa akin nina Ruby at Diamond na gay pala siya.

"OMG! Sa wakas ay narito na kayo mga babaita ko. Let's go, naghihintay ang van sa labas." May ilan kaming kasama na staff ng agency kaya sila ang nagdala ng gamit namin.

"Actually, the photoshoot of the two of you is mamaya pang 4 pm to 5 pm for the sunset theme. So you can rest or enjoy the beach later. Understand?"

"Opo!" sagot ko at si Diamond ay tumango lang habang may kinakalikot sa cellphone n'ya.

Maya-maya ay napatingin ako kay Diamond nang itaas niya ang kanyang cellphone.

"Hi Ruby at Ysmael!"

Naka-video call pala sila. Nakita kong kumaway sila at natawa. Hindi ko gaanong marinig ang kanilang sinasabi dahil sa ingay ng paligid.

"I'm gonna find a hotties here with Sandra. Mainggit ka Ruby!"

Napatawa na lang ako dahil halatang binibiro lang ni Dia si Ruby.

Bahagya akong lumapit para mas marinig sila.

"Wala siyang pakialam! Nandito ako kaya ako lang sapat na," nakakunot ang noo na sabi ni Ysmael. Ruby and Ysmael are really something.

"Tigilan mo nga Ysmael! Anyway, babalik tayo diyan kasama kami. Pangako! Sana all talaga!"

Nagkwentuhan kami nang ilang minuto pa at maya-maya rin ay nagpaalam na. Nang sabihin ng driver na nasa hotel na kami ay nakaramdam agad ako ng kaba at excitement.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon