"Okay, good job Sandra! As always!" Napangiti ako sa sinabi ng sikat na photographer, Hulsen Diego. He became my friend since I've been an endorser of a branded phone.
"Thank you!"
Lumapit siya sa akin at ipinakita ang ilang shots. This past few days, puro gadgets ang i-ne-endorse ko. Magaganda ang nagiging resulta lalo na at maganda talaga ang mga gamit.
"Ganda mo talaga! Pagod ka na?"
"Medyo lang, nakailang palit din ako ng damit, e." Nagtungo ako sa harap ng vanity mirror at inalis ang ilang accessories na nakakabit sa akin.
Nagkuwentuhan muna kami ng ilang minuto at kumuha ng litrato bilang remembrance. Lagi rin kasing busy si Hulsen dahil magaling siyang photographer kaya in demand sa model industry.
"I need to go, kita na lang tayo sa next shoot. Thank you Sandra!" Kumaway ako sa kanya at nagpatulong sa stylist para mag-alis ng damit.
"Ma'am, ang ganda niyo po pala talaga sa malapitan!"
"Oo nga po ma'am, tapos po ang bait niyo pa. Pwede po bang magpa-picture?" Natatawa ko silang inakbayan. Mas matangkad ako sa kanila dahil sa heels kong suot.
"Sure! Salamat nga pala!" Naka-ilang take kami ng picture at napansin ko na marami pang pagkain sa mesa.
"Guys, nakakain na ba kayo? Madami pang pagkain, kumain na kayo."
It's lunch time so there's no way na hindi pa sila gutom. Balak kong bisitahin si Zaki sa opisina nila at sabay kaming kumain ng lunch. I missed him!
"Nako ma'am, iyo raw po 'yan, e," saad ng isang staff na inaayos ang mga ilaw.
"Nako, hindi! Kumain na kayo at hindi ko rin naman 'yan makakain. Pupunta ako sa boyfriend ko, roon ako kakain kaya kainin n'yo na 'yan."
"E, baka po mapagalitan kami, Ma'am Sandra." Umiling ako sa kanila at inilabas ang mga pagkain sa paper bag.
"Ako ang bahala sa inyo, kumain na kayo. You guys did a great job!" puri ko sa kanila at pinalakpakan.
"Salamat po ma'am!" sabay-sabay nilang sabi.
"Next time, ililibre ko kayo. Sa ngayon, pupuntahan ko muna ang boyfriend ko. Okay? Eat well guys and thank you!" Lumabas na ako ng studio at nakasalubong ko si Cyrel at Zia na nag-uusap.
"Sandra! I miss you!" bati ni Zia at niyakap ako.
"I miss you too, Zia. Kamusta?"
"I'm okay, how about our hottest model?" biro n'ya na inilingan ko na lang.
"Ewan ko sa'yo, Zia. Kailangan ko nang umalis, let's bond some other time," paalam ko. Muli akong niyakap ni Zia bago ako kumaway sa kanila.
"I'll call you later, Sandra!" sigaw ni Cyrel. I gave her a thumbs up and went to the agency's parking lot.
May kotse na ako at may driver licence na rin. Minsan ay hinahatid pa rin ako ni Zaki pero mas gusto kong hindi na dahil dagdag abala pa ako sa kanya.
Sumakay ako ng kotse at dumaan muna sa isang restaurant para mag-take out ng pagkain. Ayokong kumain si Zaki ng galing lagi sa fast food chain. Sinigang at nilagang baboy ang in-order ko dahil alam kong gusto 'yon ni Zaki.
Muli ay nag-drive na ako patungo sa company ni Zaki. I parked my Mercedes Benz and went out holding my bags.
The guard greeted me, also the other employees. Siguro ay kilala na ako ng iba dahil maraming beses na akong napunta at ipinakilala ni Zaki. Ramdam ko ang mga tinatapong titig sa akin ng mga empleyado, isama pa ang ilang bulungan. Kibit-balikat na lang akong nagpatuloy maglakad.
