SANDRA
Three days had passed and I'm still here in the hospital. Pumayag na akong magpa-opera pero hindi akong umaasa na magiging okay ang lahat. Alam kong lumala ang kalagayan ko.
"Anak, kumain ka na. Mamaya na ang schedule ng operasyon mo kaya kailangan na malakas ka." Malungkot akong ngumiti kay nanay. Dumating siya kahapon at naiyak siya nang malaman ang kalagayan ko. I'm thankful to Zaki's friends kasi sila ang tumulong kay nanay na bumiyahe.
"Paano nanay kung hindi maging successful?" biglang tanong ko na ikinabigla n'ya.
"Makakaya mo, anak. Huwag mong iisipin na hindi mo kaya. Nandito kaming lahat na nagmamahal sayo, lalo na ang Diyos. Lakasan mo ang loob mo lagi," panghihikayat n'ya sa akin. Ngumiti na lang ako at tinanggap ang pagkain. Umuwi muna si Zaki dahil hinahanap siya ng daddy niya. Kahit anong pilit ko sa kanya na huwag na akong puntahan ay puro hindi ang sagot n'ya.
Naramdaman kong muli ang paninikip ng aking dibdib. Naglagay muli ako ng oxygen mask at umayos ng higa.
"Nanay, tulog po muna ako," paalam ko at tinanguan n'ya lamang ako. Habang nakapikit ay ramdam ko ang paghaplos n'ya sa aking buhok at paghalik sa aking noo.
***
Nagising ako sa ingay at bumungad sa akin sina Jace, Andrei at Zaki.
"Gising ka na! Ready ka na ba sa operasyon mo?" masayang bungad sa akin ni Jace.
I can't help it but to smile on him. Mapapangiti ka na lang talaga kapag ngumiti siya.
"Medyo, hindi ko pa rin alam. Wala ba kayong trabaho at nandito na naman kayo? Nagsa—"
"Don't say that Sandra, hindi kami nagsasayang ng oras dahil ikaw naman ang pinagtutuunan namin," putol ni Andrei sa aking sinasabi. I know I'm weak, but I'm so thankful to have them. I mean, without them, maybe I will give up soon.
Napatingin ako sa oras, dalawang oras na lang ay operasyon ko na. Nahagip ng paningin ko si Zaki na tahimik lang sa isang gilid at hindi ko malaman kung ano ang kanyang ekspresyon.
"Guys, if ever na hindi ko malampasan 'to, always remember na... thankful ako na nakilala ko kayo sa maikling panahon." Agad akong inilingan ni Zaki.
"Ano ba ang sinasabi mo, Sandra? Tumigil ka nga!" Napatungo ako at napaiyak. Hindi ko rin kasi talaga alam ang mangyayari. What if hindi ko kayanin? Marami silang aasa at sa huli ay masasaktan.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatunghay ako. Lumapit sa akin si Zaki at rinig ko ang kanyang buntong hininga.
"I'm sorry for shouting you. Hindi ko talaga gusto ang sinasabi mo, para kang nagpapaalam sa amin. Always remember na kakayanin mo kasi nandito pa kaming naghihintay sa'yo."
Napailing ako sa kanya at inalis nag kamay ko sa kanyang pagkakahawak.
"P-Paano nga kung hindi?! Come on Zaki, we all k-know na lumala ang k-kondisyon ko! What if... hindi ko nagawa? What if h-hindi ko talaga kaya? There's so many possibilities na gano'n ang mangyari, b-babe. Listen to me, kasi i-if ever na mangyari ang sinasabi ko, sa tingin mo masasabi ko pa 'yung mga gusto kong sabihin sa'yo? Sa inyo?" naiyak kong lintanya.
Pinagmasdan ko si Zaki habang lumalayo sa akin at nakatingala na para bang may itinatago siya sa akin.
"Zaki, b-babe!"
"B-Baby, 'yun nga e, natatakot ako kaya please huwag mo akong pilitin na marinig 'yan. H-Huwag kang umiyak please, baka may mangyari sa'yo!"
"B-Babe, listen o-okay? Una, if ever na may mangyari sa a-aking masama because of the o-operation, always remember na mahal ko kayo lahat. Hindi sapat a-ang salita para sabihin kung gaano ko kamahal si nanay... kaya p-please, bantayan mo s'ya ha? Mahalin mo siya kasi wala ako, e. Alagaan mo s-siya at huwag mong hahayaan na m-magpakapagod. T-Tapos, huwag mo siyang h-hayaang malungkot, ituring mo siya na nanay mo. T-Tapos... " Napahagulhol na ako nang tuluyan. Umiling-iling ako at kinalma ang sarili. Para akong mauubusan nang hininga pero kailangan ko pang sabihin 'to.
"B-Baby... "
"Tapos a-ano... sabihin mo l-lagi na mahal ko siya, ha? H-Hindi ko kasi kayang s-sabihin 'to sa kanya kasi iiyak lang ako. Tapos, i-ikaw, alagaan mo s-sarili mo ha? M-Mahal kita, Zaki," saad ko at ngumiti ako sa kanya nang malungkot. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Zaki habang nakatitig sa akin.
"B-Baby naman... "
"M-Mahal kita, pero... hindi kita sasagutin. Ayokong ikulong ka sa relasyon natin habang ako ay h-hindi sigurado kung ano ang kakahinatnan ng operasyon ko. G-Gusto ko, malaya ka para kung may mangyari man ay hindi ka mahihirapan, kasi m-malaya ka... "
"Mas p-pinahihirapan mo ako, S-Sandra!" Mariin akong napapikit at umiling-iling habang natulo ang luha ko. Ramdam ko ang paninikip at pagsakit ng dibdib ko pero binalewala ko 'yon.
"K-Kung papalarin man a-akong malampasan 'to... p-pinapangako ko b-babe, handa na akong s-sumagot ng oo sa'yo. Pero k-kung hindi, s-sana maging masaya ka pa rin kasi... a-ako? Sobrang saya ko na n-nakilala kita... na naramdaman ko ang p-pagmamahal mo. S-Sorry lahat ng k-kasalanan ko basta mahal k-kita... " Napahagulhol na ako nang tuluyan at naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Zaki sa akin.
I'm still praying to God that I hope I can do this.
"B-Baby, I love y-you too! Alam kong kaya m-mo, naniniwala ako s-sa'yo mula noon at hanggang sa d-dulo na kakayanin mo... " Paulit-ulit n'ya akong hinalikan sa noo at mariin lang na nakapikit ang aking mata habang dinadamdam ang kanyang halik.
"S-Sa mga kaibigan ko, natin... sabihin mo mahal na mahal ko rin sila ha? M-Mahal ko kayong l-lahat," bulong ko. Lumayo ako sa pagkakayakap at pinagmasdan ang mukha n'ya. Siguro kailangan ko nang sauluhin baka kasi huli na 'to...
Katahimikan ang bumalot sa kwarto at nagtitigan lang kami. Bumukas ang pinto at pumasok sina nanay, Alice, Dia, Ruby, Andrei at Jace. Gulat akong napatingin sa kanila.
"Sandraaaaa!" sabay na sigaw ni Dia at Ruby sa akin at dinamba ako ng yakap.
"Sorry! Okay ka lang? Bakit kasi late na?" inis na sabi ni Ruby at tumabi sa akin.
"Sorry, ayoko lang kasi na mag-alala kayo at madamay pa," sagot ko.
"I missed you, tapos ito pa maaabutan ko? Sandra! What the hell!" Nginitian ko lang siya at nilibot ang tingin sa kanila.
"Nanay, mahal na mahal kita." Niyakap n'ya ako at ramdam ko na umaalog ang kanyang balikat.
"A-Anak, kayanin mo h-ha? Mahal na mahal kita!"
Naluluha ko silang tiningnan habang nakayakap pa rin ako kay nanay. Ang iba ay naluluha na at hindi ko mapigilang malungkot. Baka kasi huli na 'to...
"Mahal ko kayong l-lahat, kung sakali man na mangyari ang hindi inaasahan ay t-tandaan n'yo na thankful ako sa inyo. At saka ngumiti kayo please? P-Para kung ito man ang huli nating pagkikita, masaya ang huli nating ala-ala," naiiyak kong sabi. Ngumiti sila sa akin habang nanggigilid ang luha at napaiyak muli ako.
"G-Guys, picture tayo!" sigaw ko at pinasigla ang boses. Kinuha ko ang cellphone ko at masaya kaming nag-picture. Pinagmasdan ko sila na masayang tumatawa. Sana ganito lagi sila, kahit hindi na ako kasama.
Bumukas bigla ang pinto at pumasok si Doc Axel kaya agad aking binalot ng kaba.
"Ready yourself Ms. Sandra, we need to go. The stretcher is waiting," saad n'ya kaya nanggilid ang luha ko.
"D-Doc, kung may mangyari man sa akin... gusto kong sabihin na salamat sa'yo nang marami. M-Maraming salamat... "
"You can do this Sandra, kaya mo 'to... " saad n'ya.
----------------------
I told you guys light lang 'to, anyway hope you like it. Nag-iba na ako ng username!
Ps. Umiiyak ako HAHAHA
