Chapter 7

304 10 0
                                    


It's 11 pm already, but my eyes is still open. Papayag ba talaga ako?

Lumabas akong muli sa veranda at may nakita akong anino. Si Zaki, hawak ang kanyang laptop at nakasalamin. Sobrang seryoso n'ya at mas lalong naging gwapo siya sa paningin ko.

"Why?"

Nanlalaki ang mata kong napatitig sa kanya.

"Nakita n'ya ako?" bulong ko sa aking sarili.

Humarap siya sa akin at inalis ang kanyang salamin.

"Yeah, I felt your presence. Bakit ka nagtatago?"

"Hindi ah! Bakit naman ako magtatago?"

"Fine, I'll go inside. You too, you need to sleep now." Umiling ako sa kanya dahil hindi talaga inaantok.

"Ayoko! Nga pala, kailan ba ang friendly date? Pumapayag na ako, ayokong nagkakautang sa iba 'no," paliwanag ko.

"Kailan ka ba pwede?" Ang tipid niya naman magsalita ngayon.

Umayos siya ng tayo kaya nakita ko ang kanyang kabuuan. He is wearing a gray boxer and a white sando. Tae, ang ganda ng katawan!

"S-Sa ano... isang araw! Yeah!" saad ko at iniwas ko ang aking tingin. Ang likot ng mata ko at kung saan-saan tumitingin. Gosh!

I heard he chuckled kaya mas lalong akong nahiya. Nakita n'ya ba? Nakakahiya jusko naman Sandra!

"Pasok na ako! Bye!" mabilis kong paalam at tumalon sa kama. Nakakahiya talagaaa!

***

"Sandra! Kanina pa may natawag sa phone mo!"

Pumikit ako dahil antok pa rin ako.

"Sandraaaaaa!"

Napilitan akong tumayo at buksan ang pinto. Bumalandra sa akin ang masamang mukha ni Alice.

"Bakit ba? Puyat ako, Alice!" inis kog sabi.

"Para sabihin ko sa'yo, ang ingay-ingay ng cellphone mo sa sala. Tunog nang tunog, matulog ka na nga! O, ayan!" Sinambot ko ang kanyang ipinaltok. Walang iba kung hindi ang aking cellphone!

Paano kung hindi ko 'to nasambot? Edi nabasag pa, baliw talaga.

"Ewan ko sa'yo!" sigaw ko. Nanlaki ang mata ko sa rami ng tawag at texts.

Napahawak ako sa buhok nang maalala ang usapan namin nina Ruby at Diamond. Nako, lagot ako!

Sige puyat pa Sandra, napapala mo. Tanga mo self! Dali-dali akong naligo at nagbihis. Sana naman makisama sa akin ang traffic, huwag muna siyang umepal.

"Alice! Pahiram ng jag mo ha!" Nilagyan ko ito ng tubig at yelo. At itinago sa aking bag.

"Oo! 'Wag mong iwawala, kung hindi mawawala ka rin dito sa condo," paalala niya.

"Opo! Bye na and thank you!" Bumeso muna ako sa kanya bago umalis.

Para talaga siyang si nanay, handang palayasin ang anak para lang sa nawawalang gamit. Ano pa kaya kung halaman, baka itakwil ako.

Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Sumakay ako ng elevator at mabilis na lumabas ng building.

"Sandra!" Napalingon ako direksyon kung saan may tumawag sa akin.

Nanlaki ang mata ko nang makita sina Ruby at Diamond. Bakit sila nandito?

Tumakbo ako palapit sa kanila at hinigpitan ang hawak sa aking bag.

"Good morning! Bakit kayo nandito?"

"Naisipan kasi naming dito ka na sunduin since madadaanan naman. Pero late ka naman pala! Hmp!" paliwanag ni Diamond.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon