Chapter 6

343 7 0
                                        

"I know that I'm handsome, but staring is rude." Napaiwas ako ng tingin bigla.

I mentally slapped my self. Masyado kang halata Sandra. Dalagang Pilipinan ka hindi ba?

"Salamat ulit, babayaran kita. Ano ba ang gusto mo?"

"A date will do..."

"Sigurado ka ba? I'm not joking!"

"Same here, anyway I'm Zaki. Sandra right?"

"How did you know? Stalker ka?"

Tiningnan niya ako na para bang nakadroga ako.

"Well, ikaw 'yung nahimatay sa garden. And you're friends call you Sandra when they fetched you, so I assumed that Sandra is your name," kalmado niyang sabi.

Okay, ako na naman ang mali. Minsan talaga umiiral ang pagiging maldita ko. Nababaliw na ata ako...

"Okay, I'm Sandra. Pag-iisipan ko 'yang date na 'yan Zaki. Ibaba mo na lang ako d'yan sa tabi." Tinuro ko ang isang supermarket. Bibili ako ng iluluto para mamaya. Nakakahiya kay Alice, baka siya pa ang magluto.

"Why? Alam ko naman ang tinitirhan mo. Iisa lang ang building ng condo natin. So, ihahatid na kita," saad niya.

"Mamimili kasi ako, para mamayang dinner. Salamat na lang, 'wag ka mag-aalala babayaran kita," paliwanag ko.

"Okay, sasamahan kita at ihahatid kita. I insist, baka may mangyari na naman sa'yo."

"Ha? E, baka may gagawin ka pa. Okay lang ako, you can go. Hindi na ako tatakbo kapag natawid."

Umiling siya at itinigil ang kanyang kotse sa parking lot ng supermarket.

It seems like I can't say no anymore.

"Basta sasama ako," matigas niyang sabi.

"Fine!" Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at lumabas na ako. May masakit pa rin pero hindi kagaya kanina.

Naramdaman kong pumulupot ang kanyang braso sa aking bewang. I can feel the heat of his body. Gosh!

"Are you okay? Ako na lang kaya ang mamili?" nag-aalala niyang tanong nang tumigil ako. Hindi talaga ako komportable sa hawak niya.

Naiilang ako, dahil... gwapo siya! Tama! But, ramdam kong ligtas ako. Na hindi siya gagawa ng masama sa akin. Yeah, I hope...

"N-No, I'm okay. Can you please move a bit? Cause I'm not comfortable," pakiusap ko. Nakahawak lang siya sa aking siko para alalayan ako.

Habang namimili ako ay nakasunod lamang siya at natulong.

"Mas maganda 'to Sandra, ang tagal na ng manok na 'yan. Look at the color," He suggested and I just nod. Okay, he's right.

"Sige, tara na sa counter." Tumango siya at tinulak ang cart. Hindi naman mabigat 'yon, bahala nga siya.

"Ako na ang pipila, dyan ka na lang. Okay?" Tila ako nahipnitismo at kusa akong tumango.

Pinanood ko lang ang cashier at akmang babayaran ni Zaki ay agad kong inabot ang 2,000 pesos.

"Naunahan mo ako, huh?"

"Akin naman kasi 'yon kaya malamang ako dapat ang magbayad."

"Okay, let's go!" Siya ang nagdala ng paperbag at tumungo kami sa kotse niya.

"Mabait ka pala," saad ko.

"It depends in situations. Bakit? Ano bang tingin mo sa akin dati?"

Napalunok naman ako, baka magalit siya. Mukha naman kasi talaga siyang suplado.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon