Chapter 22

214 6 2
                                        

Pagod kami ni Dia na umupo at agad na uminom ng tubig. Medyo mainit kasi at maraming pose ang pinagawa sa amin. It's three o'clock in the afternoon right now.

May naramdaman akong nagpupunas ng pawis ko kaya napalingon ako sa aking likod. It's Zaki at seryosong-seryoso siya sa ginagawa n'ya. Napakagat na lang ako ng aking labi para pigilan ang kilig.

"Ano ba Zaki? Tigilan mo nga 'yan, kaya ko namang gawin 'yan," mahina kong saway. Hindi n'ya ako pinansin at pinunasan pa ang leeg ko.

Pinanood ko siyang magpunas ng pawis sa akin at minsang pang kumukunot ang noo n'ya. Cute!

"Done! Do you want snack? Ibibili kita!" Umiling ako sa kanya at inabot ang bagong tubig sa table.

"Baka nauuhaw ka, ayan." Napaawang ang aking labi nang kuhanin n'ya ang tubig ko at hindi ang hawak kong bote.

"A-Akin 'yan!"

Inosente n'ya akong tiningnan.

"Eto? Sorry, pero sa tingin ko mas masarap ang tubig na 'to." At kumindat pa siya. Umiwas na lang ako ng tingin at tiningnan ang picture na pinakikita ni Cyrel.

Napakaganda ng shot lalo na at ang background ay ang sunset. Nag-aagaw ang mga kulay sa langit.

For me, sunset is one of the great scene here in the world. Lulubog na ang araw, at may bagong pag-asa bukas.

"Ang galing mo Sandra! Sabi na ba at hindi mo ako bibiguin. Anyway, pumunta na kayo sa tent at magbihis ng two piece."

Ano raw? Two piece?

"Cyrel, kasama ba ako? Akala ko kasi dress lang ang akin." Nanlalamig ang aking kamay dahil sa kaba. Ang pangit ng katawan ko at hindi ako sexy. Nakakahiya lalo na at nandito si Zaki.

"What? Kasama ka! Just go to your tent at naghihintay na sa sa'yo ang kasama mo. Go!"

May tumikhim sa aming likod at nandoon nga pala si Zaki. Muntik ko na siyang makalimutan.

"Sandra, magsusuot ka ng two piece?"

Nakakunot ang kanyang noo kaya agad akong kinabahan.

"Yes, I need to wear that. At magandang masanay na ako," sagot ko kahit sa loob-loob ko ay ayaw ko. I'm not flawless! Nakakahiya talaga itong gagawin ko.

"Okay, I'm just asking. Damn!"

"Are you okay?"

"Yeah, nag-aalala lang ako sa'yo baka mabastos ka. Huwag mo na lang kaya tanggapin?"

"Ano ka ba, it's okay to practice wearing a bikini. At beach 'to kaya normal lang ang naka-bikini. D'yan ka muna, bye!" Bago pa ako makatayo ay hinila n'ya ako at hinalikan sa noo.

"Careful, I will wait you here," bulong n'ya sa aking tainga kaya tumango na lang ako. Masyado akong nabigla sa ginawa n'ya. Hindi ko tuloy alam kung pinaglalaruan n'ya lang ako.

Tumungo na ako sa tent at naabutan ko si Dia na nakaroba at inaayusan ng buhok.

"Ma'am isuot mo na 'to, para maayusan ka na rin," utos sa akin ng staff. Kinuha ko ang isang paperbag at nang silipin ko 'yon ay black two piece ang laman.

Pumunto ako sa fitting room at isinuot. Pakiramdam ko ay hubad ako kahit may suot akong two piece. Parang hindi ko kayang lumabas. Kinakabahan ako!

Muli kong tiningnan ang aking sarili at inayos ang buhol. Ayokong makitang hubad sa public.

"Sandra? Okay ka na ba?" rinig kong tawag ni Dia.

"Yes! Magsusuot lang ako ng bathrobe," sagot ko.

Huminga ako nang malalim ako nag-sign of the cross dahil sa kaba. Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Sana po kayanin ko talaga. Ayoko pong ma-dissapoint sila sa akin.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon