"Akala ko ba you don't have boyfriend ha?" usisa ni Diamond at sinulyapan si Zaki na nakaupo sa couch.
"Ano, kaibigan ko lang 'yon. Baliw ka, tara na nga!"
"Talaga? Pero hindi ako naniniwala, he's so hot. Kung ayaw mo sa kanya, introduce me to him." Umiling agad ako at hindi ko rin alam kung bakit.
"Ahm, may girlfriend na kasi siya so, off limits na. Tara na nga!" Hinila ko na siya para wala na siyang masabi.
"Aww, sayang naman. Let me know kung break na sila. Let's go na talaga, Sandra."
May crush na talaga ako kay Zaki. E, kasi naman ang bait tapos ang gentleman at may sense kausap. Bonus na ang gwapo. Crush ko lang naman siya, I'm sure hindi na 'to lalalim pa. Mas focus ako sa trabaho, kailangan kong magsikap.
"Hi Zia! Can I get my schedule po?"
"Sorry dear, pero as of now hindi pa finalize since bago ka pa lang. I'll update you on Sunday. Just to be sure, please go here at 9 AM on Monday for photoshoot of our brochure. Okay?"
"Thank you po! Bye!"
"Bye dear!"
***
"Pagod ka na ba? Pasensya ka na talaga, sabi ko sa'yo e, umuna ka na."
Lumingon sa akin si Zaki at umiling.
"I'm not, hindi ka naman gano'n katagal." Napanguso ako sa kasinungalingan n'ya. One hour ako roon, anong hindi matagal.
"Ewan ko sa'yo! Para makabawi ako, bibigyan kita mamaya ng ulam, pang-dinner mo. No buts!"
"Yes ma'am!" Sumaludo pa siya sa akin kaya napatawa ako.
Nang makarating kami sa condo ay nagpaalam muna siya bago ako pumasok. Grabe! Ang ganda ng araw. ko ngayonnnnn!
"Hi! Ngiting-ngiti a, musta ang not so boring date n'yo?" bungad sa akin ni Alice.
"Hindi naman talaga boring 'no. Okay lang! Sobrang gentleman ni Zaki, tapos marunong siya magluto. Grabe talaga, tapos nag-picnic kami. Imagine, akala ko sa restaurant or what tapos gano'n pala ang plano n'ya. Ang sweet lang!" kinikilig kong sabi kasi kinikilig talaga ako. Hindi ko maiwasang hawakan ang aking magkabilang pisngi.
Ramdam ko ang pang-iinit nito. Palandi na ako nang palandi!
"Ang harot mo, pero ang galing ng Zaki na 'yan. Alam kung saan ka kikiligin. Ingat ka baka mahulog ka!"
"Grabe ka naman, ang judgemental mo. Tsaka crush ko lang siya 'no, siguradong 'di ako mahuhulog. Duh, nagka-crush nga ako ng bente pero 'di ako na-fall sa kahit sino. Kaya never girl!"
"Kakainin mo rin 'yang sinasabi mo. Look, crush mo pa lang pero kjng kiligin ka para kang bulate na nilagyan ng asin. Picnic lang kinilig ka na, dyan ka na nga!"
"Bitter ka lang!" sigaw ko. Palibhasa walang matinong crush ang gagang 'yon.
"Pero ang sweet kaya ng picnic date, epal lang talaga si Alice," bulong ko sa aking sarili.
Nagbihis na ako ng simpleng yellow t-shirt na may print na 'God is good all the times' at black short. Tinali ko ang buhok ko at lumabas na. It's my time to cook. Nakakahiya kay Alice, isya lagi ang nagawa ng gawaing bahay.
Nagluto na lang ako ng tinola para may sabaw kami at nang matunaw naman ang bitter heart ni Alice. Madali lang 'to para sa akin since simula dalaga ay tinuturuan ako ni nanay na magluto.
Pero noong una ayoko talaga magluto kasi takot ako, pero one time ako lang mag-isa kaya no choice kung hindi magluto.
Pagkatapos maluto ng papaya ay pinatay ko na ang kalan. Mamay ko na lalagyan si Zaki ng ulam kapag lumamig na nang kaunti.
"Wow! Ang bangooo!" rinig kong sigaw ni Alice.
"Kain ka na? Six na rin naman," saad ko.
Naghanap ako ng tupperware at nilagyan ng tatlong manok at maraming sabaw.
"Kakain na nga ako, I can't wait 'no. Pero, para kanino 'yan?"
"Kay Zaki, pa-thank you lang." Tinaasan n'ya ako ng kilay at tinawanan.
"Baka iba na 'yan ha!"
"Baliw ka, kaibigan lang talaga. Dyan ka na nga!"
"Whatever! I'll eat na ha?"
"Oo, dalhin ko lang 'to." Tumakbo ako palabas at tinitigang maigi ang tupperware.
Masarap ka naman siguro? Napakamot ako sa aking pisngi dahil sa kabaliwang iniisip ko.
Kumatok ako nang tatlong beses at bumukas na ang pintuan. Sumalubong sa akin ang panlalaking amoy at malinis na unit.
"Hi, let's go." Dahan-dahan akong tumatango habang nililibot ang tingin sa unit niya. Puro black and yellow ang nakikita ko. Halatang paborito n'ya 'yon.
At nang-init ang aking pisngi nang mapansin na topless siya. I need air!
"Ang cool naman ng unit mo. At ang linis!" lihis ko.
"Really? I'm the one who designed this unit since I'm the one who will live here."
Oo nga naman, alangan namang kapitbahay n'ya ang magdesisyon. Desisyon ka girl?
"Galing mo naman. Anyway, for you! Para sa dinner mo, sana magustuhan mo. And disclaimer lang, I'm not a professional cook so expect my not so good tinola."
Kinuha n'ya ang aking dala at binuksan.
"Let's see Chef Sandra. Kapag pasado sa akin, bibigyan mo pa rin ako ng luto mo?"
"Sure! Game!"
Pinanood ko siyang humigop ng sabaw at parang bumagal ang paligid at nakatitig ako sa mukha niya na habang nakapikit siya.
"Ang sarap Sandra! Niloloko mo lang ako. So, paano ba 'yan? Next menu mo, meron din ako," nakangising sabi n'ya.
"No prob, basta hindi bukas. May lakad ako e."
"Where are you going?"
"Sa Cavite, bisitahin ko nanay ko. So, una na ako? Bye!"
"Bye!" rinig kong paalam n'ya. Binilisan ko na dahil hindi ko matagalan na may kasama akong lalaki na topless. The abs and biceps! Ang ganda ng katawan, pashnea. Napailing ako at napatapik sa sarili ko.
"Kumalma ka, abs pa lang 'yon. Kalma..." bulong ko.
"Ano'ng ginagawa mo diyan?"
Napaharap naman ako kay Alice habang nakahawak sa dibdib.
"A-Ano, sinasarado ko ang pinto. Ihi lang ako!" Mabilis akong tumakbo sa kwarto dahil alam kong tatanungin ako ni Alice. Lakas pa naman ng pakiramdam no'n kapag may nililihim ako. Daig n'ya pa ang manghuhula.
Nagpalit ako ng damit at lumabas para kumain. Natatakam din ako sa tinolang niluto ko.
"O, pasok muna ako. Check lang ako ng files, ikaw na bahala." Tumango ako kay Alice at naghanda ng pagkain.
Namimiss ko na kumain ng pizza at fries. Tsaka burger!
"Check well!" bilin ko rin at kumain na. Masasabi kong masarap ang niluto ko. Ganito ara kapag inspire. Hays!
Niligpitan ko pagkatapos ang aking pinagkainan. At muling pumasok sa kwarto. Uuwi ako bukas dahil miss ko na si nanay. Kamusta na kaya siya? Sana inaalagaan siya ng pamangkin ko.
Napatingin ako sa orasan at 8:01 PM pa lang. Ang aga pa kaya ngayon nakatunganga ako. What to do self?
Kinuha ko ang ukulele ni Alice na nakasabit sa pader. Natugtog siya nito tapos ako ang taga-kanta. Pero dahil curious ako, nagpaturo akong tumugtog.
Ano ba ang magandang kanta? Hmm...
"Can I call you baby?
Can you be my friend?
Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love, oh, I don't pretend
Stick by my side even when the world is givin' in, yeah
Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want me
I need somebody who can love me at my worst
No, I'm not perfect, but I hope you see my worth
'Cause it's only you, nobody new, I put you first
And for you, girl, I swear I'll do the worst..." kanta ko habang natugtog ng ukulele.
I love this song, napakaganda ng message. Maybe someday, I can find someone who will stay at my worst.
