Tiningnan ko ang oras at 8:36 AM na. Nakaligo na ako at naghahanap ng isusuot."Alin ba kasi?" tanong ko sa sarili ko habang iniisa-isa ang mga damit. Halos lahat ng damit ko ay nakalabas na, pero wala pa rin akong mapili. Wala naman kasi akong magandang damit para sa date.
Napatingin ako sa pinto nang marinig ko na may kumatok.
"Pasok!"
"Sandra! Ang... tagal mo, kaya naman pala girl." Namewang siya habang tinitingnan ang itsura ng kama.
"Wala ka pang isusuot?"
"As you can see, wala pa. First time ko 'to, so I don't have any idea about dating. Tulungan mo naman ako," saad ko.
"It's my pleasure, girl! OMG, excited na ako!" Napailing na lang ako.
"E, puro shirt at pants ang damit mo girl. Do you think pang-date 'to?"
"Magp-pants na lang ako, baka sabihin ni Zaki over dress ako. Malay ko ba kung saan n'ya lang ako dadalhin," paliwanag ko.
"Seriously?" Umirap siya sa akin.
"I'm serious, baka sabihin n'ya nag-assume ako. Basta gano'n!"
"Ay nako, may meeting pa ako. Hindi na kita masasamahan. Kung need mo ng blouse or what, just open my closet okay? Goodluck to your boring date!"
"Bye! Mapatapilok ka sana!"
Narinig ko siyang sumigaw kaya napatawa na lang ako. Ang sarao n'ya talagang asarin.
Ano ba kasi talaga ang susuotin ko? Nakakainis naman, dapat pala hindi na ako pumayag.
Pumili na lang ako ng red square neck puff blouse and maong jeans. I chosed the red heels and get a black slingbag. Of course galing ang bag sa closet ni Alice. Wala naman akong bag na marami.
Nag-make up ako ng light lang at inalala ang turo nina Diamond at Alice sa akin. Nagmukha naman akong disente.
Pumunta ako sa kwarto ni Alice at kinuha ang curler n'ya. Baka masunog ang buhok ko. 'Wag na lang kaya?
Isinaksak ko ito at pinindot ang on. Pinainit ko at inikot ko ang aking buhok. Napangiti ako nang kumulot ang aking buhok. Grabe, ang galing ko!
"Okay na!" saad ko at umikot sa harap ng salamin.
Lumabas na ako ng kwarto at dumeritso sa kusina. May nakita akong donut at gatas. Tinirhan ako ni Alice, kaya mahal ko 'yun e.
Napatingin ako sa relo ko at nanlalaki ang mata ko nang makita na 9:55 AM na. Five minutes na lang!
Dali-dali akong lumabas at isinarado ko ang condo. Ang shunga ko!
Pagkarating ko sa parking lot ay hinanap ko agad si Zaki. Nasaan na kaya siya?
"Sinong hinahanap mo?" Napahawak ako sa dibdib at gulat na napatingin kaya Zaki na nasa likod ko pala.
Mariin akong napapikit at hinabol ang aking hininga. Para siyang kabute!
"Nakakagulat ka naman!" Hinampas ko siya sa braso sa sobrang inis. Lihim naman akong napangiwi dahil ang tigas. Shet, alagang gym nga pala.
"Okay, I'm sorry. Cute mo," natatawang saad niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Uhm, aalis na ba tayo?"
"Yeah, let's go!" Pinagbuksan n'ya ako ng pinto at pumasok ako sa loob ng kotse niya. Sumalubong sa akin ang panlalaking amoy ng air conditioner. Si Zaki nga ang may kanya, walang duda.
"Wear a seatbelt. Safety first cutie!"
"T-Tigilan mo ako ha! Cutie ka d'yan!" namumula kong saway.
Tumawa lamang siya kaya naman napanguso ako. Ang hilig n'ya mang-asar, akala ko sobrang seryoso n'yang tao.
