"I will cut your eyes if you will not stop. Let's go baby!"
Napaawang ang aking labi nang mapagtanto na si Zaki 'yon at may dalang plastics. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Hinapit nito ang aking bewang kaya naman pilit kong inaalis ang kanyang braso sa aking bewang.
"Ano ba Zaki, ang daming nakakakita," saway ko ngunit hindi siya natinag. Nilingon ko si Jai at masama ang tinginan ng dalawa.
"I don't care, let's go! Hinahanap ka na rin ni nanay. Gabing-gabi na kung saan ka pa napunta," sermon n'ya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Tatay kita? Tumigil ka nga, nakakakuha ka na ng atensyon." Pilit kong inalis ang kanyang kamay at nakahinga ako nang maluwag nang maalis ko.
"Malamang gwapo ako, at tumigil ka na rin. Tara na!" Napaikot ang aking mata sa kanyang sinabi. May tinatago rin palang kayabangan ang isang 'to.
"Bakit mo ba siya pinipilit? Nakikita mong nag-uusap pa kami," singit ni Jai kaya naman napapikit ako nang mariin. Alam ko na kung saan tutungo ang usapan na 'to kaya kailangan ko nang alisin si Zaki. Ayoko ng gulo.
"Hinahanap na nga siya ni nanay! Bakit ba nangingialam ka rin? Mind your own business! Tara na, Alexandra!" Pinandilatan ko siya ng mata pero tinaasan n'ya lang ako ng kilay.
"Mauna ka na, magpapaalam lang ako. At pwede ba, huwag kang sumigaw? Nakakahiya na, naiinis na ako," gigil kong bulong. Bakit ba kasi pumunta pa siya rito, e gabi na naman.
Tinitigan n'ya lang ako kaya naman mahina kong tinulak ang kanyang bewang.
"Mauna ka na, please." Namewang na ako sa harapan n'ya pero hindi pa rin siya gumagalaw. Para akong nanay na nagpapauwi sa kanyang anak galing sa paglalaro.
"Sabay nga kasi tayo," mariin niyang sabi at tiningnan nang masama si Jai. Nilingon ko si Jai at nakita kong nakangisi ito.
"Jai, tigil na. Baka kung ano pang mangyari," saway ko at nginitian ako ni Jai.
"Sige, itatapon ko lang ang kalat ko." Nginitian ko siya at nilapitan. Mukhang wala na akong magagawa kay Zaki na napakakulit.
"Pasensya ka na ha? Hayaan mo babawi ako bukas, hanggang bukas pa naman ako rito. Sa iyong tricycle kami sasakay ni nanay bukas para pumuntang sementeryo. Okay?" Tumango siya akin at ngumiti kaya lumabas ang dimple n'ya.
"Oo naman, walang problema. Ingat ka, wala akong tiwalan d'yan." Hinampas ko siya sa braso at natawa ako.
"Baliw! Bye!" Kumaway na lang siya at ako naman ay bumalik kay Zaki na pwesto. Napatigil ako dahil wala akong nakita na Zaki. Nasaan na 'yon?
"Neng, hinahanap mo ba 'yung kaaway mong lalaki kanina?" tanong ni Aling Bebe sa akin. Siya ang may kanya ng tindahan ng mga street foods dito.
"Opo, nakita n'yo po ba?"
"Umalis na siya, e. Mukhang galit din."
"Sige po, salamat po!" Umalis na rin agad ako at nagtungo sa bahay. Bakit n'ya ako iniwanan? Napakabait talaga ng lalaking 'yon.
"Nanay, nandito po ba si Zaki?"
"Aba'y oo kanina, pero umalis din agad. Pinahanap nga kita pero hindi ka raw makita, bumisita lang daw siya. Hinatid lang ang mga pagkain na 'yan. Sabi ko nga ay rito na muna matulog at gabi na," sagot ni nanay habang nilalagay sa plato ang manok na inihaw. Tiningnan ko ang laman ng plastics na dala n'ya kanina.
"Burger, pizza, at manok," bulong ko. Bakit pa siya nagdala?
"Magkagalit ba kayo? Napakatipid magsalita samantalang dati ay napakadaldal."