"Napakasama n'yo! Anyway, kamusta? Tara inuman mamaya! Sagot ko!" sigaw ni Jace kaya nagtatakang napatingin kami sa kanya.
"May sakit ka ba?" tanong ni Andrei. Agad namang sumimangot si Jace, para talaga siya bata. Childish.
"Huwag kang iinom ng babayaran ko ha! Itatak mo 'yan sa kokote mong puro hangin kaya hindi ka makaisip kung paano mo babalikan ang ex mong model!"
"Tumigil nga kayo, ang ingay n'yo. Tara inom!" saway ko at tumayo na. I need to drink, masyado akong maraming problema.
"Gago kayo, napakaaga pa! Magtatanghali pa lang, dude. Umupo kayo d'yan!" Napatingin ako aking relo at tama nga siya. It's just 11:34 AM.
"Epal ka talaga! Hindi ka sana balikan ng model na 'yon!"
"At least ako may ex na! E, ikaw? Single ka forever, dude." Napailing na lang ako sa pinag-aawayan nila. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may reply na si Sandra. Agad na napakunot ang noo ko nang makita na wala. Damn! Mali ba ang number na na-send-an ko?
Muli akong nag-text para masiguro. C'mon baby, don't make this hard.
To 09*********:
Sandra? Let me know if you're Sandra.
Ilang minuto ang nakalipas at wala pa ring sumasagot. I decided to call that number.
"Hello?"
["H-Hello?"] mahinang sagot.
"Sandra? Are you okay?"
["Y-Yeah, who's this?"]
"It's me Zaki, hindi ka kasi sumasagot sa text ko. Are you okay?" Dinig ko ang ugong ng mga sasakyan sa aming tawag. Nasa labas siya?
["Oo naman, I just woke up. Can we talk later? Ang ingay kasi hindi kita marinig nang maayos."]
Napabuntong-hininga na lang ako at nagpaalam na. I can sense to her voice na matamlay siya at pagod. Dapat kasi ako naghatid sa kanya. Baka kung ano pang mangyari sa kanya.
Hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya. I really like her.
"Nga pala, nabati n'yo na ba ang tatay n'yo ng happy father's day? Baka hindi n'yo alam sa sperm nila tayo galing!" I glared to Jace and he just laughed.
"Alam namin gago! Nag-aral kami baka nakakalimutan mo." Pinaikot-ikot ko lang ang ballpen sa kamay ko dahil wala akong magawa.
"Nabati ko na si dad at mamaya may dinner kami. Kayo? Any plan?" tanong ni Andrei. I shrugged and I don't what to say.
"Balak ko kaninang batiin si dad but it turns out na nag-away kami. Inunahan n'ya agad ako na magsalita kanina sa tawag," walang gana kong sabi.
"Hoy teka nga! Ano ba ang nangyayari? Sabihin n'yo naman sa akin, ang pangit n'yo ka-bonding!"
"Pagkasagot n'ya ng tawag ko, sinabi n'ya agad na kailangan ko ng hawakan ang company."
"Woah! Wait, really? Akala ko ay tinigilan ka na ni tito tungkol d'yan. Saklap ng araw mo!" pang-aasar sa akin ni Jace kaya hindi ko mapigilan ng paltukin siya ng ballpen. Nailagan n'ya naman ito at pinaltok pabalik sa akin. Walang gana na sinambot ko at dumukdok sa aking desk. Siguradong hindi ako titigilan ni dad.
I'm sure, kaya pinahahawak sa akin ni dad ang company ay dahil may problema ito at ako ang papahirapan. Hinahanap n'ya lang ako kapag may kailangan.
"Dad, hindi ko hahawakan ang company. I can't, isa pa I have my own business." He glared at me kaya napasandal na lang ako sa swivel chair.
