Nagising ako sa malakas na katok na may kasama pang sigaw.
"Sandra! Kakain na tayo! Faster!" sigaw ni Alice at may kasamang malakas na katok.
"Oo na! Mag-aayos lang!" sigaw ko pabalik. Tiniklop ko ang kumot at inayos ang buhok ko.
Paano kaya ako makakatulog mamaya? Siguradong hindi ako aantukin.
Lumabas ako at napaismid nang sumalubong sa akin ang mukha ni Alice na nakasimangot.
"Nagugutom na ako, ang tagal mo!"
"Bakit kasi hindi ka na naunang kumain? Baliw ka talaga!" Umupo ako sa tabi niya at nagsimula nang sumandok ng pagkain.
"Syempre, minsan na nga lang tayo magsama, e. Anyway, gulay and tuna muna tayo. Kain ka na!" Tumango ako at tahimik na kumain.
"Nga pala, what time tayo bukas? Pwede na kaya ang strappy red dress with slit? Tapos, heels na black? I'm not really good at color, help me," saad ko. Hindi ako magaling pumili ng mga damit kaya kailangan ko talaga ng tulong.
"Sure! I got you girl! Dapat 9 PM nandoon na tayo so, mga 7:30 mag-ayos ka na. Okay?" Tumango ako at nagsalin ng tubig.
"Ako ang magliligpit, you can rest now. Look at your eyes, halatang pago ka. Ano ba kasing ginawa mo?" nag-aalalang tanong ko.
"Okay, fine! Soon, I'll tell you. But for now, I need to sleep, maaga tayo bukas. Pagkatapos mo diyan, rest ka na rin. Bye! Mwa!" Hinalikan niya ako sa pisngi at pumasok sa kanyang kwarto.
Pagkatapos ko kumain ay niligpitan ko na ang mga plato at dumeritso sa kwarto. May Wi-Fi naman dito kaya makakapag-facebook ako.
I wonder kung ano ng meron sa facebook account ko. Pagbukas ko ay sunod-sunod na notification ang lumabas. Puro react sa picture ko at comment. Napatulala ako nang makita na two thousand and reacts at hundreds comment.
Ano'ng nangyari?
Dahan-dahan kong pinindot ang notification na may page na nag-tag sa akin. At sa gulat ko ay agency ito ni Zia, kaibigan ni Alice. Kaya naman pala!
At isa sa nag-mention sa akin sa comment section ay si Jace. 'Yung lalaki sa bar...
Napangiti na lang ako nang mapakla. Syempre, magiging sikat ako dahil sa agency hindi dahil sa sarili ko.
Madaming nagkomento na ang ganda ko raw, ang puti ko raw, at iba pa. Syempre, hindi mawawalan ng hindi magandang comment. Mas pinili ko na lang na mag-log out kaysa sa makita ang mga peke nilang comment.
Tumayo ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Alam kong hindi ako kagandahan, at hindi ako sexy. Gusto ko kasi talagang maging model, at si Alice ang nag-push sa akin kahit may doubt at insecurities ako.
Naglinis na ako ng katawan at humiga na nang maayos. What should I do?
Umupo akong muli at nagpatugtog. Everytime na mag-isa ako, music is my bestfriend.
Can I call you baby?
Can you be my friend?
Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love, oh, I don't pretend
Stick by my side even when the world is givin' in, yeahSinabayan ko ang kanta at tumungo ako sa veranda. Binuksan ko ang slide door at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin.
Oh, oh, oh, don't
Don't you worry
I'll be there, whenever you want me
I need somebody who can love me at my worst
No, I'm not perfect, but I hope you see my worthPumikit ako habang kumakanta.
"... my worth..." Napamulat ako nang marinig na may kumanta. Lumingon ako sa veranda ng kabilang unit.
