Chapter 35

157 4 0
                                        

I'm now nervous as hell! I'm now wearing a dark red off shoulder balloon gown. It's backless and the chest part is lacy. It's twinkling as the light pass to it.

Umupo muna ako dahil nasakit ang aking paa sa itim na heels kong suot. I suggested to Cyrel na mag-flat shoes ako dahil hindi naman kita sa laki ng gown ko but she said no. I can't do anything because she's the boss.

Nasa harap ko ang malaking salamin at kitang-kita ko ang detalye ng aking gown. It's lace flower and surrounded by different stones. I'm thankful to Dia because this is her choice.

Ang aking buhok ay tuwid na tuwid na nakaladlad sa aking likuran. Sabi kasi ni Ate Carry ay mas bagay iyon sa akin. I'm okay with that since I'm not comfortable at my back.

Napatingin ako sa aking cellphone nang bigla itong tumunog. Agad akong binudol ng kaba sa text ni Cyrel.

Manager Cyrel:

You need an escort, humanap ka agad. Ngayon lang nila in-announce, I'm sorry. Puntahan kita mamaya, see you gorgeous.

Sino naman ang mahahanap ko? Isang oras na lang ay pupunta na kami sa hall para magsimula. Napatayo ako at paikot-ikot dito sa hotel room. Ano ang gagawin ko?

I know Zaki can't make it since he's busy lalo na ang huling text n'ya sa akin ay pupunta siyang Batangas para tingnan ang ipinapagawang bar. Ayoko rin naman siyang gambalain dahil nahihiya ako.

Kinuha ko ang cellphone at napagpasyahang i-text si Cyrel.

To Manager Cyrel:

Pwede bang wala? Hindi na ako makakahanap, late na kasi!

Manager Cyrel:

Ihahanap na lang kita, just wait for him to fetch you.

Nakahinga ako nang maluwag pero naroon pa rin ang kaba. What if hindi mabait 'yung lalaki? Napatampal na lang ako sa aking noo. I should be thankful na meron akong magiging escort dahil kung hindi ay mapapahiya ako, o kaya naman ay magmumukhang nag-iisa.

Besides, wala pa akong gaanong ka-close na model bukod kina Ruby, Dia and Ysmael.

Biglang may kumatok kaya naman pinagbuksan ko ng pinto. Si Atw Carry pala kasama ang ibang staffs.

"Miss Sandra, retouch lang dahil malapit na magsimula." Tumango ako at nginitian sila. Makalipas ang ilang minuto at inaayos nila ang aking buhok at gown.

Wala naman akong magawa kaya napagpasyahan kong tawagan si Zaki. I miss him already.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam sina Ate Carry kasama ang dalawang staff dahil tapos na raw. Ang galing nilang mag-ayos, nagmukha akong model.

Napakunot ang noo ko dahil hindi sumasagot si Zaki. Maybe busy? Nagtungo na lang ako sa full length mirror at nag-picture. I put it in my IG and FB story. My friends immediately reacted on it and send me an appreciation message.

Nag-reply ako sa iba at dahil sa dami ay nag-react na lang ako sa ibang message. Nakita ko ring ni-post na ng ZB Agency page ang picture ko habang inaayusan. I reacted on it and shared it. After a minute, I got a thousands of reacts and comments. I replied and reacted in some of comments.

"Sandra, let's go." Agad akong napatayo nang may magsalita sa likod ko. Napabuga ako sa hangi nang makita na si Cyrel pala 'yon at may kasamang isang staff.

I get my purse and phone before I exit. Dahil mabigat ang gown ko ay hinawakan ng staff ito at si Cyrel naman ay nasa tabi ko para umalalay. Ang taas ng heels isabay mo pa ang bigat ng gown ay hindi malabong matumba ako.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon