Chapter 18

181 6 0
                                    

Binuksan ko ang pinto ng office ni Zia at kabadong pumasok. Siguradong papagalitan ako dahil late ako. Sinong bang hindi, e first day ko ito at palpak na agad ako.

"Zia, g-goodmorning po!" bati ko at alam kong halatang kabado ako. Humarap ito sa akin at nakasalubong ko ang kanyang mata na malamig pa sa yelo.

"My morning is not good. And why you're late? It's your first day!"

Napatungo ako dahil nahihiya ako. First day na first day ay late na agad ako kaya ano na lang iisipin nila na lagi akong late.

"Zia, I'm sorry. I'm late because I'm too tired last night since I'm from Cavite to visit my mother before I start working here," paliwanag ko. Seryoso lamang na nakatingin sa akin si Zia at kalaunan ay tumango rin.

"Okay, because it's your first day I will let this pass but next time you will have a punishment. I'm not tolerating late, lazy, unprofessional, and head ache models here. Do you understand?"

"Yes po! I'm sorry again!"

Tinanguan niya lang ako at itinuro ang pinto. Nginitian ko muna si Zia bago ako lumabas at nang makalabas ako ay hindi ko mapigilang mapahawak sa aking dibdib. Nakakakaba pala kapag wala sa mood si Zia.

Nakasalubong ko si Ruby na nag-aalalang tumingin sa akin.

"Okay ka lang? Pinagalitan ka ba?"

Umiling ako sa kanya at nginitian ito. Lesson na rin sa akin 'to. In every action, we need to be responsible. I applied as a model here in ZB so, I need to be responsible to my work.

"Okay lang, nakapagpaliwanag na rin naman ako."

"Mabuti naman, nasa table mo nga pala ang schedule mo at everyday you need to check the page and chats to be updated to your schedule. Hindi kaya minsan ng manager natin na i-handle tayo sa sobrang dami natin. Wala ka pa namang PA, so tiis muna hanggang makaahon. Okay? Lavarn!"

"E, ikaw bakit wala kang PA? Sikat ka a!" nagtataka kong tanong.

"Kaya ko pa naman, even Diamond wala rin. Si Ysmael ay antukin need talaga na may magpaalala  dahil late siya nagigising. Pero naghahanap na rin ako since gusto ko i-try ang band ng kaibigan ko." Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Nakanta ka? Grabe, ang talented mo!"

"Hindi naman, katunayan nalaman ko lang na may talent ako noong inaya akong kumanta ng crush ko. Magaling kumanta si Cathy e tapos maganda raw blending ng boses namin, kaya gusto nilang sumama ako," kwento niya.

"Crush mo pa rin 'yon?" Umiling siya sa akin at hinampas ako.

"Hindi na 'no, tagal na no'n. Tara na nga!" Hinila na niya ako dahil ang bagal ko raw maglakad napailing na lang ako.

***

Pagod akong umupo at uninom ng tubig. Katatapos lang namin mag-shoot para sa brochure at social media post. Binigyan nila ako ng kopya para raw sa instagram ko.

Kailangan ko ulit mag-download no'n dahil hindi ako gaanong nagamit ng instagram. Facebook, messenger, YouTube at Tiktok ang madalas kong gamitin.

"Grabe, ang ganda mo girl. You're my friend talaga!" saad ni Diamond habang tinitingnan ang mga pictures ko. Iba't ibang dress ang pinausot sa akin at alam king branded 'yon.

Maganda ang kuha sa akin dahil ang gagaling ng staffs dito at ang babait.

"Salamat! Nga pala, nasaan sina Ysmael at Ruby?"

"May pinag-uusapan pa sila kasama ang photographer dahil sa isang magazine na i-co-cover nila. Silang dalawa ang partner, since noong una pa lang ay mag-bestfriend na sila at close sa isa't isa," kwento niya sa akin. Akala ko ay dito lang sila sa agency nagkakilala.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon