Namimili kami ngayon ng susuotin sa Grand Ball. Kasama ko si Ruby at Diamond na lagi na lang nag-aaway kung saang store pupunta.
"I want there! Mas maganda ang quality!" inis na sigaw ni Dia.
"Letse ka! Oo na! Basta ako mamimili kung saan tayo kakain. Period! Tapon ulo ni Dia sa tae ng kalabaw!" pang-aasar ni Ruby at nauna na sa store.
"I hate youuuuu!" Napatawa na lang ako at napansin na napatingin na sa amin ang ibang tao.
"Tara na Dia, nakatingin na sila, o. Kapag ikaw namukhaan ng fans mo, bahala ka." Nakasimpleng shirt at pants lang sina Dia at Ruby, para raw twinny ayon kay Dia.
Ako naman ay naka-blue puff dress at sandals. Ang dalawa lang naman ang maraming fans, ako ay kaunti pa lang kaya hindi ako natatakot lumabas.
"Isa pa 'yan, hindi na ako makapunta nang maayos sa public places. Oh, muntik ko na naman makalimutan. Get the gifts and flowers in your cabinet sa dressing room. Doon ko pinalagay since you're in a photoshoot. Check it at baka lanta na ang flowers, sayang." Really? May nga gifts pala ako, excited akong buksan ang mga 'yon mamaya.
"Legit? Baka iyo 'yon ha, ayokong umasa."
"Ang nega mo girl, alam mo 'yon? Iyo 'yon so shut up, let's go na at naiirita ako kay Ruby."
Pumasok kami sa boutique at naghanap ng gown at heels. Base sa mga kasama ko, ay matatagalan kami dahil shopping is their life raw.
This gonna be a long dayyyyy!
ZAKI
"Ano? Busy bebe mo?" Tiningnan ko nang masama si Jace. Ang chismoso talaga ng gagong 'to.
"Bakit mo tinatanong?" Matagal ko ng napapansin na tanong siya nang tanong kay Sandra.
"Easy, I know your tone, dude. Na-meet ko na kasi siya, sa bar natin. Pasado dre!"
"Kailan 'yon?"
"Noong nag-celebrate tayo ng birthday ni Andrei, I saw her alone. Tapos sinungitan ako, nagmamagandang loob lang naman ako," kwento n'ya.
"Sa'yo lang siya masungit, hindi ka kasi katiwa-tiwala," walang gana kong sabi at tiningnan ang phone ko. Nakakain na kaya siya? Kampante akong ligtas siya dahil kasama niya ang mga kaibigan n'ya.
"Grabe ka sa akin! Pero ang ganda no'n ha? Galing ng mata mo, model pa talaga." Sinamaan ko siya ng tingin at pinaltok ng ballpen.
"May gusto ka ba sa girlfriend ko?"
"Woah! Kalma, crush lang naman! At kung maka-girlfriend ka naman, paalala hindi ka n'ya pinapayagang manligaw," nakangisi n'yang sabi kaya lalong nag-iinit ang ulo ko sa siaraulong 'to. Mas maganda talagang kausap si Andrei, e.
I'm planning to ask her again. I can't stand in this set up, ayoko ng walang label. Wala akong panghahawakan na akin talaga siya, kung pwede lang na kasalan agad, e.
"But she's mine, officially or not. So, zip your mouth kung ayaw mong matanggal 'yan. Kamusta ang deal natin kay Mr. Lazaro?"
Sumeryoso agad ang mukha ni Jace at may inilabas ang folder. Pahablot ko itong kinuha sa kanya at lihim akong napangiti nang makita ang pirma ni Mr. Lazaro.
"Good Jace, may nagagawa ka ring matino. Hindi 'yung puro pa-cute ka lang sa customer natin." Napanguso si Jace kaya napaismid ako. Ang pangit sa paningin ko tuwing ngumunguso si Jace dahil mukha siyang bibe.
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Sandra na nakanguso tuwing napapagalitan ko. She's so cute, and I badly want to kiss her. Damn, I miss her already!
