SANDRA
"Congratulations Alexandra!"
Bumeso ako kay Alice at ngumiti sa ilan naming nadadaanan.
"Thanks! Hindi ko talaga inaasahan Alice."
Hinila niya ako sa couch dito sa isang exclusive bar. We're here to celebrate my first achievement as an aspiring model. Natanggap ang aking portfolio sa isang agency.
Worth it ang two months na pag-iintay ko.
"Sobrang bilis mo kumpara sa iba. Iba talaga ang ganda mo!"
Sobrang thankful ako kay Alice dahil siya ang naging kasama ko at tumulong sa akin. Nakapagtapos na ako sa kursong Business and Management.
"Baliw ka talaga. Salamat sa'yo, ha? Makakatulong na ako kay nanay."
Lahat naman ng ginagawa ko ay para sa nanay ko. May sari-sari store kasi siya. Gusto ko siyang mabigyan ng sariling pwesto sa palengke.
"Wala 'yon, mabuti nga at sa agency ng kaibigan ko ikaw napunta. Siguradong big catch ka sa kanila. Order ka na!"
"Baliw ka! Anyway, order na tayo. Sagot ko, minsan lang 'to."
Tumawag agad siya ng waiter at umorder ng tequila. Ang sa akin naman ay lady's drink lang. Hindi ko talaga kaya uminom ng tequila, margaria, etc.
"Girl, kanina pa ako may napapansin."
Tiningnan ko siya gamit ang nagtatakang mata. Hindi ko kasi marinig masyado.
"Sabi ko, may napapansin ako!"
"Anoooo?"
"May lalaking natingin sa'yo. Iba talaga ang karisma mo." Umiling na lang ako sa kanya. Imposible ang sinasabi niya. I don't have a big bosoms and a hour-glass body shape.
Maybe mali lang ang tingin niya.
"Ang gwapo o!"
"Tumigil ka nga, baka anong sabihin sa'yo no'n. Nakakahiya ka!" Inirapan niya ako at hinila sa dance floor.
"Tara na lang sa dance floor. Dali!" Umiling ako sa kanya dahil hindi ko gusto ang pagsayaw sa mga ganitong lugar.
Alam kong maraming may masasamang loob dito. I'm not being judgemental, but I heard some feedback about clubs.
"Dali na! Ang KJ mo talaga, Sandra. Kaya wala kang boyfriend!"
Sumimangot ako dahil sa kanyang sinabi. Well its true kasi I'm NBSB. I'm not that approachable, lalo na sa mga lalaki.
"I don't need that. Mas priority ko ang pamilya ko at career."
"Okay! Ako na ang malandi! Grabe ka Sandra, best daughter award goes to you! Dyan ka na nga!"
Napailing na lang ako kay Alice. Medyo wild talaga siya, lalo na at mahigpit ang magulang niya noong teen niya kaya ngayon bumawi.
Pinanood ko lang siya sumayaw habang pinalilibutan ng mga lalaki. Alice is beautiful. Her morena skin, good chest, and big butt. That's why guys drool over her. And she loves wearing a sexy clothes.
"Hi, are you alone?"
"I'm not," I said to a guy. Actually, he is cute but I'm not here to flirt or whatsoever.
"Do you want a drink? I'll treat you!"
Inirapan ko ito para mapakita na wala akong pake.
"You know, I can afford the drinks here. No need to treat me, I don't need a real life credit card."
Tinaas niya ang kanyang kamay na para bang sumusuko.
"Woah! Stop there cutie, I'm being nice here. Sungit mo naman!"
I pouted because I'm rude earlier. Inaamin ko na ang OA ko. Siguro nadala na ako sa lumalapit sa akin tapos babastusin ako.
"S-Sorry! It just that..."
"I'm not a maniac don't worry. I just saw you with a sad eyes so, I thought you need someone to talk. Sometimes, talking to a stranger can get off your bad feeling."
Tinaasan ko siya ng kilay. Mabait ba talaga siya? Baka ginogoyo lang ako nito.
"Well, wala talaga akong problema. Hindi ko alam ang pinagsasabi mong sad eyes. I'm watching my friend, there! Gets?"
He pouted and sat on my side.
"Oo na, I'm Jace Evangelista. You?"
"Alexandra, what do you want?"
"Gusto lang kita maging kaibigan. Friends?"
"Yeah, whatever! Bye!" Tumayo na ako at lumabas ng club. Wala rin naman akong ginagawa roon. Lalo na at hindi ko talaga hilig pumunta ng club.
Dahil wala naman akong sasakyan, naghintay ako ng jeep. Gabi na kaya kaunti na lang ang nadaan na sasakyan.
"Para po!"
Tumigil ito at sumakay ako. Marami ang sakay kaya kinailangan kong makisiksik.
Naalala ko bigla si Alice, hindi nga pala ako nakapagpaalam. Kinuha ko ang Oppo kong cellphone at ni-text si Alice. Mabuti na lang at may load pa ako. Makalipas ang isang oras ay nasa bus station na ako at nakaidlip ako dahil sa pagod sa may bus. Ilang oras lang ang nakalipas ay natanaw ko na ang barangay namin.
Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay bumaba na ako. Nilibot ko ang tingin sa bahay namin. Sakto lang ang laki at may pinturang light yellow. May outline sa baba na kulay peach maging ang gilid ng bintana. Maayos ang bahay namin dahil sa pagtitinda ni nanay ng kung ano-ano.
Naka-tiles na rin kami pero walang kisame. Hindi uso sa amin dahil hindi ko rin alam. Okay lang naman basta maayos ang bahay.
Mahilig din si nanay sa mga halaman kaya marami siyang binibili na paso. Napailing na lang ako nang makita na may dalawang pasong nadagdag. Isang linggo rin kasi ako kay Alice para malapit sa agency. Malayo kasi ang aming bahay.
Pagpasok ko sa bahay ay wala si nanay. Baka nagtitinda sa palengke at alam kong wala siyang magandang pwesto. I hope maganda ang maging trabaho ko.
Binuksan ko ang refrigerator at nagluto ng sinigang. Paborito iyon ni nanay at nagsaing na rin ako.
Tatlo kami sa bahay, ako, si nanay at ang pamangkin ko.
"Tita! Ano 'yan?"
"Nakakagulat ka naman! Sinigang, bakit?"
"Pahingi ha? Maglalaba muna kami ni mama." Tinanguan ko lang si Rome at nagpatuloy sa pagluluto.
Panganay siya kaya kahit lalaki ay siya ang katulong sa kapatid ko sa mga gawaing bahay.
Pagkatapos ko magluto ay kumain na agad ako at nagbihis. Bukas na ang simula ng one week training ko kaya need ko mag-impake para bukas. Doon muna kasi ako sa condo ni Alice.
---
"Sandra! Nakapagluto ka na ba?" sigaw ni nanay.
"Oho! Kumain na po ikaw, usap us latur!"
Naabutan ko si nanay sa lamesa na nakain na. Umupo ako sa tabi niya at huminga nang malalim. Sana payagan ako ni nanay.
"Nanay, magta-trabaho po ako sa Makati. Sa condo po ni Alice ako uuwi..."
