Pagkarating namin sa loob ng agency ay sinalubong kami ng tili ng isang magandang babae. I think siya 'yung bestfriend ni Alice.
Zia ata ang name niya. Ay ewan!
"Juskooooo! Babaita ka, you're here naaaaa!" sigaw niya.
Alice rolled her eyes. Ako naman ay napatawa dahil parang isang taon silang hindi nagkita.
"Zia, tumigil ka na. Oo na nandito na ako. Nakikita mo right?"
"Sabi ko nga! Anyway, ito na ba ang sinasabi mong pwedeng maging model? Hmmm?" tanong niya at kinilatis ako mula ulo hanggang paa.
Naningkit ang mata niya sa aking hita kaya naman lalong akong kinabahan. Ayaw niya sa akin?
"Perfect! You're so gorgeous! I need air! Anyway, masyado kang maganda, now move. Let's see what you got!" masaya niyang sabi habang pumapalakpak. Napatulala naman ako sandali dahil sa reaksyon niya.
Akala ko... hindi niya ako gusto. Just... wow!
Hinila na ako ni Alice sa isang stage na may curtains at mga malalaking ilaw.
Pumalakpak si Ma'am Zia para kuhanin ang atensyon ng mga modelo.
"Okay guys, may tatlong modelo na maaaring dumagdag sa ating agency kung magpa-pass sila sa basic pose. Be ready guys!"
"Doon ka sa upuan na gray, mahintay ka ng tawag. And do your best! Make me and your mother proud." Hinalikan ako ni Alice sa aking pisngi.
Alice is my the best supporter. Lagi siyang nandyan for me."Arizza! Now, give me a fierce look, sexy, and simple smile. Let's see..." saad ni Ma'am Zia. Nakaupo ito kasama ang ibang sikat na modelo.
Pumalakpak ako sa galing ni Arizza. Kuhang-kuha niya ang gusto ni ma'am. Na-pe-pressure tuloy ako, baka ako lang ang hindi tanggapin.
"Next! Daniela! Same instructions dear!"
Magaling din naman si Daniela ngunit kulang siya sa confidence.
"Last is, Alexandra!" tawag sa akin kaya tumayo na ako.
"Go girl!" sigaw ni Alice at inayos ko ang aking fitted dress.
"Show me!" sigaw ni ma'am kaya ginawa ko ang gusto niya.
Ginawa ko ang fierce look, bahagya kong inawang ang aking labi at itinagilid ang ulo. Naramdaman ko ang flash ng camera kaya ginawa ko na ang sexy look.
Umupo ako sa carpet at inihaba ang aking legs. Tumingin ako sa kanila na para bang nang-aakit. I don't know what I'm doing.
Bahagya akong napangiti nang makita ko ang ngiti sa labi ng mga nanonood. I think I'm doing... good?
Simple look naman ang ginawa ko. Tumayo ako at bahagyang itinaas ang kaliwang paa. Ngumiti ako nang matamis habang kunyaring hinahawi ang buhok sa harap ng camera.
Nakarinig ako ng palakpakan kaya naman bumaba na ako.
"Very good!" sigaw ni Alice.
Nginitian ko siya at bumalik sa upuan.
"Ang galing-galing mo naman! I'm Daniela!""Hala, hindi! Ikaw din kaya! Pero, salamat talaga! Kinakabahan nga ako e," madaldal kong sabi.
Minsan talaga lumalabas ang pagkamadaldal ko. Nahahawa na kasi ako kay Alice.
"Hi! I'm Arizza, galing mo mag-isip ng poses. Samantalang ako, expression lang ang nabago. Congrats agad!"
Nginitian ko na lang aiya dahil pumunta na sa harap si Ma'am Zia. Bumalik na naman ang kaba ko sa. resulta.
