Last chapter! Epilogue na ang next! :))
------------
Wearing a silver long sleeve but backless mermaid gown, I'm standing in the front of big mirror.
Hinaplos ko ang kurba nito sa aking bewang. My body changed. I'm proud of it, it's the fruit of my hard work.
Kita ko ang pagkintab nito sa repleksyon ko sa salamin. I'm glowing and I can't wait to Zaki's reaction.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako sa aking likuran. Mabilis akong lumapit nang makita na si nanay pala 'yon. Nakasuot din ito ng pulang dress na mahaba. Ayaw niya raw ng gown dahil mabigat at hindi siya kumportable.
"Nanay! Ang ganda mo!"
"Aba'y, saan ka pa ba magmamana?" Kinindatan n'ya pa ako kaya napatawa na lang ako. My mother is still beautiful. Kitang-kita ang ganda nito noong dalaga ito. Maybe, sa kanya nga ako nagmana.
"Syempre, sa'yo!" Umupo muna kami sa couch at kumuha ng ilang litrato.
"Anak, kinakabahan ako mamaya." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Nanay, 'wag kayong kabahan. Nandito lang kami, we're going to enjoy this night. At saka malalaman natin ang Wine of the Year." Nakita n'ya itong ngumiti at naramdamang hinaplos ang buhok.
"Anak, ang layo na ng narating mo. Proud na proud ako sa'yo. Salamat sa iyo at hindi mo ako binigo. Natupad ang pangarap kong malagay ka sa ayos." Niyakap ko siya at isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib. A warmth of a mother is one of the best feeling ever.
"It's all because of you, nanay. Kayo ang inspirasyon ko, wala ako rito kung hindi dahil sa'yo. Thank you for always supporting me." Mas lalo ko siyang niyakap at naramdaman kong pumatak ang luha galing sa aking mata. Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ang pagsinghot ni nanay. Alam kong naiiyak siya sa saya.
Siguro ang pagiging emosyonal ko ay naman ko sa kanya.
"Nanay, naman e! Pinapaiyak mo po ako, sira na make up natin," kunyari kong reklamo at pinahiran ang luha ko.
"Iyakin ka kasi, e. O siya tara na at tama na ang drama. Baka naghihintay na sa atin si Zaki." Tumayo na kami at saktong palabas ay siyang pagpasok ni Zaki.
Mabilis ako nitong niyakap kaya nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla.
"Hey, are you okay?"
"I thought something happened to you. Hinahanap kita, hindi ka pa pala lumalabas," nag-aalala n'yang sabi. Ngumiti ako sa kanya at sinapo ang pisngi.
"I'm okay, nagdramahan lang kami ni nanay at palabas na rin sana." Mabilis ko siyang binigyan ng magaang halik sa labi at lumabas na. Kilig na kilig si nanay sa amin kaya tawa kami nang tawa.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang event. Kagaya ng normal na party ay nagbigay ng mensahe si tito at ilang big boss.
"I need to check something, Baby. Huwag kang aalis at kumausap sa kung sino-sino. I love you," bilin n'ya sa akin at hinalikan ako sa noo.
Napatawa ako nang maalala na inis na inis sa akin si Zaki. Ayoko kasing suoting ang coat niya dahil hindi naman bagay sa suot ko. May slit din pala ang gown, hindi ko lang napansin. My man is really protective or... possessive?
Lumingon-lingon ako sa paligid dahil nababagot ako sa sinasabi ng speaker. It's like throwing good words that they didn't really meant.
"Hi beautiful!" Nanlaki ang mata ko at niyakap nang makita kung sino 'yon. It's Jace, matagal ko na siyang hindi nakakausap dahil busy na rin.
