Dalawang araw na ang nakakalipas at nakalabas na ako ng ospital. Nakakaramdam ako minsan nang pananakit ng dibdib, mabuti na lang at may gamot ako. Every week akong may check up kaya kailangan kong paghandaan ang gastos.
"Ready ka na for Grand Ball?" tanong sa akin ni Ruby. Sa isang araw na ang Grand Ball, ang damit ko ay si Dia na ang nag-ayos since guilty pa rin daw siya sa nangyari.
I told to her many times that what happened is no one's fault. Somehow, it's a good thing that I'm so tired. Now I know that I have that kind of disease.
Napalingon ako sa may pinto nang marinig ko na may kumakatok. Dahil tapos na ako sa shoot ay ako na nag nagbukas.
"Hi Miss Sandra, may nagpapadala po para sa iyo."
Tiningnan ko ang hawak n'ya at mga paper bags ito at may ilang kahon. Ang ibang paper bags ay nakababa, daig pa ang nag-shopping.
"Are you sure? Masyado 'yang madami," nagtataka kong sabi.
"Yes ma'am, I'll go back to my work. Have a nice day po!"
"Thank you!" Ngumiti siya sa akin at isinarado ko naman ang pinto.
"Nag-online shopping ka? Ang dami ha!" usisa ni Ruby na uupo pa lang galing sa set. Siya kasi ang kinuha na model for bench perfume.
"Hindi 'no, wala akong oras para bumili pa ng ganito. May nagpapabigay raw sa akin, tulungan mo nga akong buksan."
Tumango siya at inuna n'ya ang mga kahon. Mga paper bag naman ang binuksan ko at nakita ko ang mga stuff toys at damit. Ang dami!
Hindi pa naman magpapasko pero ang aga ng regalo nila sa akin. Napapangiti ako tuwing may nakikita akong card.
To Miss Sandra:
Hello! I'm your fan, I hope to see you soon! Sana po magustuhan mo ang damit, I'm just student po kaya 'yan lang po ang kaya ko.
When I finished reading it, I think my heart melted. I have a fan!
"Nakakaiyak naman ang mga letters ng fans mo, grabe ang gaganda ng sulat. Look at the efforts!" Napangiti ako sa mga nakita kong cards. Sobrang creative nito dahil may printed photos ko pa nakadikit.
"Hindi ko ine-expect 'to Ruby, I'm so overwhelmed just seeing these gifts. I mean, I'm really worth it? Ang iba ay estudyante pa lang, imbes na sa school nila nilalaan ay binibili pa nila ako ng shirt."
"Girl, you deserve this. Kailan lang noong nagkakilala tayo pero masasabi kong ang buti mo. Deserve mo 'to, marami kaming nagmamahal sa'yo!" Nanggilid ang luha ko sa aking mga narinig. I don't know if I deserve this. Ewan ko kung sasabihin n'yo pa na ang buti ko kapag nalaman niyo na nagsinungaling ako.
Kinuhanan ko ng picture isa-isa ang mga letters and gifts. I'll post it on FB and IG as an appreciation post.
Matagal na akong hindi nagbubukas ng social media kaya gulat na gulat ako nang makita na malapit na akong magkaroon ng 100k follower sa IG. I only have ten post since I'm not that active here lalo na at hindi ako gaanong confident sa sarili ko.
Sabog ang notifications ko sa FB at IG. Napahinga ako nang malalim habang binabasa ang mga papuri nila na ewan ko kung totoo o kalokohan lang. So, this is the model's life?
Naupo ako sa couch at naisipang i-post sa FB at IG ang pictures ng mga natanggap kong regalo. Wala pang ilang minuto ay isang daan na agad ang react.
"Nagsisimula ka na umangat, pero huwag mong kakalimutan kung sino ka talaga at kung saan ka nagmula. Always remember na nandito lang kami sa tabi mo. I'm so proud of you!" Niyakap n'ya ako at bumalik muli sa set.
