Malungkot akong nakatingin kay Zaki at nanay. I'm guilty, ang dami kong problema na dinala.
"Anak, tigilan mo ang pag-iisip ng ganyan. Mahal ka namin," malumanay na sabi ni nanay habang inaayos ang damit ko. Papauwi na kami mamaya at iniisip ko ang bill ko. I'm sure na umabot 'yon ng hundreds thousand or a million? Ayaw sa aking sabihin ni nanay at Zaki, baka raw isipin ko nang isipin.
"I told you baby, tutulungan kita." Umiling ako at hinarap siya. Ayokong umasa sa kanya, marami na akong problemang naidulot sa kanya.
"Babe, may pera ako. May itinago akong pera for my operation. Please let me? Ako ang dahilan kung bakit nasa hospital kaya siguro tama lang na ako ang magbayad? Kung kulang man, tatanggapin ko ang offer ni Doc Axel na pautangin ako."
"What? Baby, bakit manghihingi ka la ng tulong sa doktor na 'yon? I can help you too!"
"Zaki, ayaw mo naman akong pautangin, e. Gusto mo kasing mangyari is bigay mo, which is ayoko. Malaking pera 'yon at pinaghirapan mo. Please?" Napikit si Zaki nang mariin at nagpakawala ng buntong hininga.
"Fine, papahiramin kita pero... huwag ka nang hihingi ng tulong sa doktor na 'yon. Okay? Baby?" Nakatitig lang ako sa kanya at natatawa dahil iniiwas n'ya talaga ako kay Doc Axel. I don't know what is Zaki's problem to Doc Axel. Napakabait kaya ni Doc Axel, sobra talaga akong nagpapasalamat sa kanya.
"Bakit ba lagi mo ako iniiwas sa kanya? Nagseselos ka?"
"Yes, ayoko lang humingi ka ng tulong sa kanya kung nandito ako. You can still talk to him, hindi naman kita pagbabawalan." A month passed at sa wakas ay lalabas na rin ako. Nagkaroon ako ng therapy because of my body. Mabuti na lang at naging madali ang recovery ko, but in my heart situation, I'm not yet fully recovered.
Kailangan hindi ako laging mapagod at higit sa lahat uminom ako ng gamot ko. Minsan sumasakit ang dibdib ko pero nawawala rin agad.
"Oo na, boyfriend. Basta kukuhanin natin 'yung pera ko sa bank ko ha? Zaki, I'm serious."
"Fine, naiintindihan ko ang point mo. Basta kapag kulang, I'll lend you some and you can gave it back once you're okay and fully stable."
Tumango ako at nagtiklop ng mga damit ko. Napalingon ako sa may pinto nang magbukas iyon at pumasok si nanay. Hindi ko siya napansing lumabas, siguro gawa ng pag-uusap namin ni Zaki.
"Anak, pwede ka na raw lumabas mamayang 10 AM. Uuwi ka ba sa atin? Nagtitinda naman ako kaya kitang alagaan."
Agad ko siyang inilingan, ayokong mahirapan si nanay. Alam kong baon sa utang sina ate, may problema na naman. Hindi naman ata mawawalan ang tao ng isang problema.
"Sinabihan po ako ni Alice na pwede pa muna ako sa condo unit n'ya. At saka katabi lang po no'n ang kwarto ni Zaki. Don't worry about me, nanay. Kukuha rin po siguro ako ng shoot na hindi gaanong mabibigat, nakausap ko na po ang manager at boss namin. They know my situation." Alam kong hindi sang-ayon si nanay sa gusto ko pero nginitian ko siya para ipakitang kaya ko at okay lang ako.
She nodded and because of happiness I hugged her. I'm so thankful to my mother.
***
Pumasok ako sa kotse ni Zaki matapos kong magpaalam kay nanay. Ihahatid kasi ng driver ni Zaki si nanay sa Cavite. Ayaw n'yang pumayag na mag-commurte si nanay, maging ako ay pumayag na. I'm waiting for him now here in the car.
Thank God, nakalabas na ako ng hospital. Ang problema ko ay pagta-trabaho at pera. Kailangan kong mabayaran si Zaki sa laki ng utang ko. Nakakahiya sa kanya, kahit sabihing boyfriend ko na siya at hindi pa rin 'yon dahilan para patagalin ko ang hiniram kong pera.
