Chapter 37

143 6 0
                                        


SANDRA

"I told you to rest, baby. Bakit ba subsob ka sa trabaho?" sermon sa akin ni Zaki habang nakapamewang sa harapan ko. Napanguso na lang ako at hindi makaimik.

Simula noong natapos ang Grand Ball ay maraming sponsorship and endorsement ang dumating. Pumayag ako at malaki na ang naipon ko pero hindi pa rin sapat for my heart transplant. Kailangan kong mag-ipon dahil hindi biro ang halaga nito.

At si Zaki naman ay naging mas maalaga sa akin. He's busy because of his business but he never failed to call me even just once a day.

Today is my day off and I'm planning to go in hospital for check-up kaya lang ay binisita ako ni Zaki. Mamayang hapon pa ata ang meeting n'ya.

"Kailangan sa bahay, tsaka para sa kotse," dahilan ko. Totoo naman ang sinabi ko kaya lang ay kulang. Nakakahiya kasing magpahatid kay Zaki lalo na ngayon na mas busy siya. Tsaka kailangan ko na rin magkaroon dahil kung saan-saan na ako napunta for shoot.

Namomroblema rin ako kay nanay dahil sakto na lang ang padala ko sa kanya pero ang kalahati ay ibinibigay n'ya pala kay ate. Isang beses ay nag-chat sa akin si Rome para magsumbong. Ang papa kasi ni Rome ay walang trabaho at puro inom ang inaatupag kaya si nanay ang nagbibigay.

"I can help you, baby. Huwag naman ganito, isinusumbong ka sa akin ni Cyrel, baka hindi mo alam." Hindi ko naman talaga alam. Ang baliw na 'yon, talagang napapasunod ni Zaki.

"Malusog naman ako at laging nagpapahinga. At tsaka bakit ka pa nandito? Baka ma-late ka... " Agad na tumaas ang kilay n'ya sa akin at sinuyod ng tingin ang aking kabuuan.

"Akala ko ba ay off mo, bakit ganyan ang suot mo?" I'm wearing a pink floral dress and white open toe sandals. Marami na rin akong nabili na mga damit at heels pero lalong nadadagdagan dahil sa sponsors.

"Ahm, kakamustahin ko si Alice kasi nasakit ang ulo n'ya. Hindi na kami gaanong nagkakausap dahil nga busy kami," dahilan ko. Ayokong malaman n'ya na magkikita kami ni Doc Axel dahil uusisain n'ya pa kung bakit kami magkikita at kung ano-ano pa.

"Really?"

"Fine, gagala lang naman sana ako. Chill muna sa mall, gano'n sana."

Napabuntong hininga siya at umupo sa tabi ko.

"Hindi kita pipigilan, gusto ko lang ipaalala sa'yo na kailangan mong mapahinga. Baka atakihin ka ng asthma mo... " Niyakap ko siya ng mahigpit at naramdaman ko rin ang pagyakap niya pabalik.

"I know, healthy ako at okay na okay. Walang mangyayari sa aking masama," mahina kong saad. Hindi ko alam Zaki kung talagang kaya ko pa, sana nga okay pa ako.

Naramdaman ko na naman ang pagsakit ng aking dibdib pero binalewala ko 'yon. Wala na rin akong gamot kaya ngayon sana ako aalis.

Ang dami kong problema sa buhay. Minsan iniisip ko, sobrang mapaglaro ni God, kasi kung ano 'yong problemang hindi mo inaasahan, 'yon ang dadating sa'yo.

Until now I can't ask my mother about heart disease. I know my mother, ke-kwestiyunin n'ya ako kung bakit ako nagtatanong ng ganoon. At natatakot akong malaman n'ya, pero walang magagawa ang takot ko kaya once na makauwi ako sasabihin ko sa kanya.

"Tawagan mo ako lagi kung may problema, okay? Hindi na kita mabibisita mamayang gabi, pero tatawagan kita kapag may time ako. I love you, baby," malambing na paalam n'ya at hinalikan muna ako sa noo bago umalis. Pinanood ko siyang lumabas ng pinto at napabuga na lang sa hangin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may sakit ako sa puso, pero ngayong nararamdaman ko na ang mga sintomas ay parang ginigising ako sa reyalidad. May financial problem ang kapatid ko at kami na lang ang maaasahan n'ya. Ayokong magsabi ng problema kung kanino man dahil ayokong maging dagdag problema. Lalo na kay Zaki, kita ko ang pagod n'ya tapos dadagdagan ko pa. Hindi ko kaya...

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon