Chapter 36

153 6 0
                                        


Hours had passed and I'm tired. Isa pa itong si Zaki na ayaw lumayo sa tabi ko. Daig n'ya pa ang linta sa sobrang kapit sa akin.

"Baby, kumain ka pa. Tatawagin ka na sa taas mamaya for the awarding. You're the last but the best, so proud of you." Kinain ko ang isinusubo n'ya sa akin at napangiti na lang sa aking narinig.

Kanina pa natawag sina Dia kasama si Saint sa stage. She had the 'The Face of Summertime Magazine 2021' award. She deserve that, alam ko kung gaano n'ya kamahal ang modeling.

Nasa isang mesa sina Ysmael, Ruby, Dia at Saint dahil nakikipag-usap sila sa may kanya ng Sollana Publishing Company. Hindi muna ako pinapapunta ni Cyrel at intayin daw ako matapos.

Napalingon ako kay Zaki nang pisilin n'ya ang aking bewang. He really love to do that in my waist everytime that he wants my attention.

"Bakit ba? Nakakagulat ka naman!"

"Kung saan-saan ka nakatingin, kanina pa natunog 'yang cellphone mo," masungit n'yang sabi sa akin. Kinuha ko ang cellphone at agad na kinabahan nang makita ang pangalan ni Doc Axel. Alam ko na kung bakit ganoon si Zaki kanina, nagseselos na naman

"I need to answer this. D'yan ka muna!"

"But—"

Tumayo agad ako at sinagot ang tawag. Mabilis akong pumunta sa gilid at lumayo sa mga tao. Kahit nahihirapan sa gown ko nagawa kong tumakbo at lakad.

["Hello! Hello Ms. Sandra! What's happening?!"] Napahawak ako sa aking dibdib dahil hinihingal ako. Ang bigat ng gown ko, isama pa na naka-heels ako.

"H-Hello! Doc!" Napabuga ako sa hangin at inayos ang aking buhok.

["Are you okay? I just want to ask you about your check up. Bakit hindi ka pumunta? You have two check up na hindi sinipot. And your parents? Akala ko ba ay pupunta na sila?"] Napapikit ako nang mariin dahil sa kanyang sinabi.

"D-Doc, I'm busy right now. Actually, nasa event ako. Pupunta ako bukas, sorry again. Hindi ko naman pinababayaan ang sarili ko. Sorry again Doc Axel." Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

["I hope I can see you tomorrow. I'm afraid but to say na maaaring lumala ang sakit mo at mahirapan tayo."]

Tahimik akong nag-paalam at napaayos ng tindig. Hinaplos ang gown sunod sa kurba nito. All I can hear right now is my heartbeat. Parang lalabas sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pintig. Calm down heart, huwag ngayon.

Nagpahinga muna ako ng ilang sandali at napagpasyahang bumalik sa mesa. Naabutan ko si Zaki na may tinatawagan at nang makita n'ya ako ay agad n'ya akong niyakap.

Napatigil ako at pinakiramdaman siya. Para siyang hinihingal na ewan, ano ba ang nangyari?

I put my hand on his back and tap it. Hinarap ko siya at hinawakan ang kanyang pisngi. Napagmasdan ko ang mapungay niyang mga mata.

"Okay ka lang? Ano ba ang nangyari sa'yo?"

"Ikaw ang dapat kong tinatanong n'yan, okay ka lang? Hinahanap kita dahil ang tagal mo, tinawagan ko ang security staffs kung nakita ka. Saan ka ba galing? Hinanap ka namin! Pinag-alala mo ako!" Niyakap n'ya ako at hindi naman ako makaimik. Hindi ko alam kung ano dapat ang sabihin ko.

It's like I lost my words again by his words. He can easily make me shut by it. I hugged him back and put my face on his chest. I can hear his heartbeat and deep breath.

"S-Sorry babe, kinausap ko lang sandali si Doc Axel. I'm sorry again," mahina kong paliwanag. Mas humigpit ang kanyang pagyakap sa akin at naramdaman ko ang kanyang paghalik sa aking buhok.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon