SANDRA"Baby, why are you smiling again? You look so happy. Sino ang iniisip mo?" Napailing na lang ako sa katabi ko.
"Stop it, babe. I'm thinking someone and that's you. Tuwing naaalala ko 'yung proposal mo... basta." Baka asarin na naman ako na kilig na kilig ako. It's true pero ayokong sabihin dahil nahihiya ako.
Sino bang hindi kikiligin kung hinarana ka? Like it's so rare now a days. And I'm so lucky to experience that moment. Thanks to Zaki.
I heard his chuckle so I looked at him. He is now smirking.
"Huwag mo akong asarin, Zaki Gomez," banta ko.
Tinaas n'ya ang isang kamay na parang bang sumusuko.
"I'm not doing anything, baby. Natutuwa lang ako na napasaya kita. Pinaghandaan ko talaga 'yon for you, baby," saad niya na ikinangiti ko.
"Thank you, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na tayo," masaya kong sabi at hinalikan siya sa pisngi. Hinawakan ni Zaki ang aking kamay gamit ang isa niyang kamay.
He's driving because we're heading to his Ninong Santi's farm.
"Babe, ang sweet ng ninong mo 'no?"
"Yeah, masasabi kong the best si ninong. Mahal na mahal niya si ninang to the point na he always marrying her every anniversary of their wedding." Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya.
"Really?! Grabe, mahal na mahal niya nga. I'm excited to meet them and a bit nervous. Baka hindi nila ako magustuhan," saad ko. Naramdaman kong pinisil niya ang aking kamay.
"Yeah, I salute ninong for that. And don't worry baby, mabait sila at siguradong magugustuhan ka. Lumayo ka lang sa anak nila, baka magustuhan ka rin." I rolled my eyes on him.
"Tumigil ka nga, lahat na lang akala mo may gusto sa akin. Teka, malayo pa ba?" tanong ko at nagpalinga-linga. Sa Bantangas pa kasi nag farm nila at talagang liblib dahil gusto raw ng ninong niya ng tahimik na buhay.
"Kind of, why? Do you want to sleep?" Napakagat ako ng labi at tumango. Madaling-araw pa lang ay umalis na kami. Pagod na pagod ako sa naging event kahapon at sa pakulo ni Zaki.
"Matulog ka muna, gigisingin kita mamaya."
"E, ikaw? Baka antukin ka rin, 'wag na lang. I'm sure pagod ka rin," bawi ko. Ayoko namang maging unfair sa kanya. I can see a dark circles under his eyes. Puyat at pagod talaga siya.
"Baby, I'm okay. Matulog ka na," pilit niya pero inilingan ko lang siya. I get my hand from him to hold my phone properly.
Sa pagbukas ko ng data connection ay lumabas agad ang mensahe ni Alice, Ruby at Dia. My girls...
Alice:
Nakarating na kayo? Give me a selfies!Ruby:
Maganduh ba? Sana all!Dia:
Hey! Give me some food ha, kung pwedeng magbaon. If pwede, dessert sana. Thanks!Malakas akong napatawa dahil sa chat ni Dia. Baliw talaga ang babaeng 'yon.
"Sino 'yan?" tanong n'ya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa daan.
"Sina Dia lang, puro kabaliwan ang chat," sagot ko at nag-reply na kina Dia.
Since hindi sila online, hindi sila nakapag-reply. Pumunta ako sa facebook at sandamakmak na notifications ang sumalubong sa akin. Hindi ko na binigyang pansin dahil sa dami.
I glanced to Zaki and I open my camera. I secretly took a photo while he's driving.
Pumunta ako ulit sa facebook at ip-in-ost na may caption na 'My handsome driver for today.' Makalipas lang ang ilang minuto ay marami nang nag-react at nagcomment. Napapailing na lang ako sa ilang comment dahil sobrang gwapo raw ni Zaki. Well, it's true.
