Chapter 33

174 5 0
                                        


"Babe, daan muna tayo ng McDo. Hindi pa ako nakain ng tanghalian. Pwede ba?"

"Oo naman, bakit ba hindi ka man lang nagdala ng pagkain? Kapag ikaw nagka-ulcer, sinasabi ko sa'yo."

"Nagdala naman kami ng staffs kanina kaya lang naiwan pala 'yung iba. Kinulang tuloy, binigay ko na lang since hindi pa ako gutom kanina. Sorry tatay!" Sinamaan n'ya ako ng tingin at dinilaan ko lang siya, para kaming mga bata.

Kagagaling lang namin sa Let's See Studio dahil sa guesting ko roon. I'm so happy na confident akong nakapagsalita at nakapaglakad kahit sobrang kabado ako.

Mabuti na lang at nandoon ang staffs at si Zaki para ngitian ako. Mamayang hapon pa raw kasi ang meeting n'ya kaya sinamahan n'ya ako.

"Ako ang magbabayad, no buts." Napatango na lang ako sa kanya, ako kasi ang nagbayad ng breakfast namin kanina.

Siya na rin ang um-order dahil siya ang magbabayad. Ayoko kasing siya lang ang gagastos, kahit na hindi pa kami officially gusto kong malaman n'ya na dalawa kami sa relationship na 'to.

"Ubusin mo 'yan kung kaya mo, late na ang lunch mo. Huwag mo na 'tong uulitin, Alexandra."

"Promise! Lagi mo na lang akong pinapagalitan," nakasimangot kong sabi.

"Because you're so hardheaded. Kumain ka na lang d'yan," dahilan n'ya. Sinubuan ko siya ng fries at pinapakagat ng burger dahil alam kong gutom na rin siya.

"Ano bang tawag sa pinilahan ni Alice kagabi?"

Pagkatapos ng scene namin ni Zaki ay niyakap ni Alice. Akala ko noon ay lasing na siya pero hindi pa raw, mabuti na lang dahil nakauwi kami ng ligtas.

"Body shot lane, it's about tequila and body part." Napalunok ako sa kanyang sinabi, ibigsabihin Alice lick tequila on someone's body? Ang babaeng 'yon talaga!

"T-Talaga? Kaya pala ganoon 'yung nakita ko." Naalala ko na naman 'yung babaeng ano, basta!

"Tss, I know you saw that. Anyway, sa condo ka ba or agency?" Napaisip din ako sa tanong n'ya, siguro sa condo na lang dahil inaantok ako. At sabi ng staffs ingat daw ako sa mga press, as if naman na sikat na ako.

"Condo na lang, pinagpapahinga ako ni Zia dahil nalaman n'ya 'yung sa asthma ko. Tomorrow, I'm all day busy gawa ng Grand Ball at photoshoot." Ang dami ng offers sa akin at pumayag ako. Ang iba kasi ay shoot for products lang at clothes. Sa hapon ako mag-aayos ng gamit for Grand Ball.

"Text mo ako mamaya ha? May meeting ako later, I can't check you. Kung may problema text ka or tawag."

Tumango ako sa kanya at tumingin sa daan. Hindi ko na kinain ang kanin at chicken dahil busog na ako sa fries at burger. Kailangan ko ring mag-diet dahil madami na akong nakakain.

"Kainin mo 'to mamaya, ha?" Tumango lang din si Zaki at biglang itinigil ang kotse. Nagtaka naman ako dahil wala pa kami sa condo.

"Baby, iabot mo sa akin 'yon." Kahit nagtataka ay kinuha ko ang pagkain sa backseat at ibinigay kay Zaki. Pinanood ko siyang lumabas at pumunta sa mga... bata?

Napangiti ako dahil ibinigay ni Zaki ang pagkain at binigyan n'ya ito ng pera. Hindi kasi kasya ang pagkain dahil tatlo ang bata.

My heart melted instantly at the scene where Zaki is laughing with them. Zaki is really the best.

Bumalik si Zaki at ako ay nakangiti lang. This day is so memorable, I had my first interview in national TV and I saw Zaki's other side.

"Let's go?" masaya n'yang tanong.

"Tara!"

***

Nagulat kami sa dami ng tao sa may parking lot. Anong meron? Akmang lalabas ako nang hawakan ni Zaki ang aking braso.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon