Napainom agad ako ng tubig dahil sa tanong n'ya. Naiilang akong tumingin sa kanya kaya tahimik kong pinagpatuloy ang pagkain.
Ayoko mang aminin na gwapo siya pero gwapo talaga siya. Umiling ako sa kanya at alam kong nakangisi siya ngayon. Napakayabang!
"If you say so, anyway enjoy the meal." Tumango lang ako at inubos na ang pagkain. Masasabi kong masarap ang luto n'ya, lalo na sa balat na part. Heaven!
Inilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko at sinimulan itong ligpitan. Ang bagal ni Zaki kumain dahil panay ang titig n'ya, kaya ilang na ilang ako.
"Hey, tama na 'yan. Bisita kita," saway sa akin ni Zaki. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"I'm done, can you lead the way now? Kasi may shoot talaga kami at mapapagalitan ako," inis kong sabi. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil alam kong nag-aalala na si Dia.
Napatampal ako sa aking noo nang maalala ang phone ko. Bakit hindi ko naisip 'yon?
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Dia. Bagsak ang balikat ko nang mapagtanto na wala pala akong load.
"Zaki!" sigaw ko at mukha naman siyang nataranta.
"May pantawag ka ba dyan?"
"Oo, naka-plan na 'to, e." Edi wow! Siya na ang mayaman, ako kasi tamang pa-load lang.
"Pwedeng pahiram? Baka kasi nag-aalala na sa akin ang kasama ko." Binigay n'ya naman sa akin ang phone n'ya at nanlaki ang mata ko. Grabe, iphone ang cellphone n'ya.
Bakit pa nga ba ako magtataka, e mayaman naman siya.
Ni-dial ko ang number ni Dia at sumagot agad ito.
["Hello? Who's this?"] Hinihingal n'yang tanong.
Ano ba ang ginagawa n'ya?
"Dia, si Sandra 'to. Gusto ko lang sabihin na—"
["O goodness Sandra! Bakit ngayon ka lang? Where are you ba ha? Pinag-alala mo kami at alam mo bang sira na ang beauty ko kakahanap sa'yo! Tell me!"]
Nailayo ko ang phone sa sobrang lakas ng boses n'ya. Napangiwi na lang ako at muling nilapit ang phone sa aking tainga.
"Pabalik na ako, I'm sorry. Nakakita lang ako ng isang kakilala at nilibre ako. I'm sorry again!"
["Thank God, you're safe! Anyway, nakakain ka na ba? Do—"]
"Yes! I'm done, just text me on my number kung saan ang setting natin para diretso na ako. I'm sorry again!"
["Fine! Take care, okay? Bye!"] Pinatay n'ya na ang tawag at dumating na rin ang text ni Dia.
Sa may sun lounger raw at mga jet ski ang setting namin. Nakita ko na 'yon kanina kaya mabilis ko lang makikita.
Hinanap ko si Zaki at nakita ko itong nagliligpit. Umupo ako sa isang upuan dito sa bar counter n'ya. Sabagay, umiinom nga pala si Zaki kaya may ganito siya.
"Zaki, eto na ang phone mo. Thank you!" Lunapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"No worries, anyway ihahatid na kita? Let's go!" saad n'ya at hinawakan ako sa may pulso ko. Mabuti na lang at hindi na n'ya ako kinontra.
Tahimik lang akong nagpahila sa kanya palabas ng rest house n'ya. Ilang minuto kaming naglakad at namangha ako sa paligid. Maraming bulaklak at puno ng niyog. May mga duyan pa!
Grabe, nakaka-relax talaga kung ganito ang pupuntahan mo.
Napapitlag ako nang maramdam ang braso ni Zaki na pumulupot sa aking bewang.