Months passed and I can say that my life is doing great. Hindi naman pwedeng araw-araw ay puro saya. Syempre, hindi mawawala ang problema namin.
"Akala ko ba may shoot ka?" tanong sa akin ni Alice. Nag-aayos siya dahil may meeting sila. Sikat na rin ang agency nila pero iba pa rin ang ZB Agency.
"Postponed, may bagyo, e. Hindi mo ba alam?"
"I don't have time to watch TV. Ang alam ko lang ay tag-ulan na."
Napailing na lang ako sa kanya at pinanood siyang mag-ayos, baka sakaling mas matuto pa ako. Marunong na ako mag-ayos pero simpleng ayos lang, like light make up.
"Ganda mo!"
"I know right!" Kumindat pa sa akin at tinawanan ako.
"Hindi ka man lang nagpaka-humble, confident yern?"
"Yes, ikaw lang naman ang mababa ang tingin sa sarili mo. Nga pala, balita ko kayo na ng kapitbahay natin?" Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
"Saan mo naman 'yan narinig? Hindi kami 'no, close lang talaga kami."
"Wow! Close lang tapos naghalikan na? Tapos gusto ang isa't isa? Ay mahal ka pala n'ya hindi ba? Pabebe mo!"
"Hindi ko pa nga siya mahal! Puso mo 'te? Marunong ka pa sa akin," nakairap kong sabi sa kanya.
"Malamang, ang tanga mo kaya. Ay nako, kapag nagsawa sa'yo 'yon huwag kang iiyak sa'kin. Napaka-emotional mo pa naman," sermon n'ya na nakapagpatahimik sa akin. Hindi ako nililigawan ni Zaki dahil tumanggi ako sa ikalawang pagkakataon. Ayaw ko siyang bigyan ng pag-asa hangga't hindi ko siya kayang papasukin ng buo sa buhay ko.
Aminado akong emosyonal na tao. Konting masakit na salita, naluluha na agad ako. Sabi nga ng iba, iyakin ko raw. Kasalanan ko bang nasaktan ako? Kasalanan ko bang mahina ang loob ko?
"Natahimik ka 'no? Pag-isipan mo, time is ticking. Baka huli na ang lahat bago mo ma-realize."
"May boyfriend ka ba at ganyan ka mag-advice? Danas mo na?"
"Nevermind, bakit nasa akin ang topic? Alis na nga ako, kainis kang kausap. Saraduhan mo 'to kapag umalis ka ha? At huwag kayong gagawa ni Zaki ng you know." Nanlaki ang mata ko sa huli n'yang sinabi kaya pinaltok ko siya ng unan. Ang baliw na 'yon, nahiya naman ako sa naabutan ko dati rito.
"Baliw na babae," bulong ko at kinuha ang phone ko. May text pala si Zaki kaya naman binuksan ko ito.
Zaki:
Hey! Tuloy ba ang shoot niyo? Malakas ang ulan...
Tinawagan ko na lang siya dahil nakakatamad mag-type. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita gawa busy siya sa bar at ako naman ay sa mga shooting.
"Hello? Busy ka ba?" bati ko at napakagat sa aking kuko. Ngayon ko lang naisip na baka nasa meeting siya or what.
["No, it's break time and clear ang schedule ko. Puntahan kita later? Pwede?"]
"Sige, hindi rin naman tuloy ang shoot namin gawa ng bagyo. Ano nga palang oras ang punta mo?"
["May pipirmahan pa akong ilang papers, maybe 11:30 AM I'll go there. Let's have a lunch together."]
Napangiti ako sa sinabi n'ya. Aaminin kong na-miss ko talaga siya.
"Sige, magluluto ako rito. Nga pala, ganyan ka pala talaga ano?"
["What do you mean ganyan? Baliw sa'yo? Matagal na,"] natatawa n'yang sabi kaya napahalakhak na lang din ako.
"Baliw hindi, minsan go lucky guy ka, minsan sobrang seryoso. Alam mo 'yon, panay minsan ang pagtatagalog mo, o kaya naman pag-e-english mo."
