Chapter 13

253 7 2
                                        

Warning: The next scene is not suitable for 15 yrs old and below. Huwag gagayahin! 🙅

------

Gabi na at katatapos lang namin kumain. Nandito ako sa may terrace namin dahil tahimik. Sometimes, you need to lend some minutes to yourself. Night is the perfect time to emote. Just kidding but half of it is true.

"Hey!"

Napapitlag ako nang may nagsalita at humawak sa balikat ko.

"Zaki naman! Alam mo bang nakakatakot 'yon ha?"

Ngumisi siya kaya lalo akong naasar. Natutuwa talaga siya kapag naaasar ako. Akala ko dati seryoso siyang tao, tahimik at nakakatakot. Na-realize ko na nakakaasar pala siya.

"Okay fine, sorry. So, what are you doing here?"

"Nagmumuni-muni lang, thinking my problems, my future, and my mistakes," mahina kong sagot. Kapag talaga mag-isa, masarap mag-isip ng kung ano-ano.

"So, anong naramdaman mo? While thinking those things... "

Napaisip ako sa tanong n'ya. Ano nga ba ang naramdaman ko?

"Lungkot, saya, at... pagod. Yeah, that's it." Humugot ako nang malalim na hininga.

"Minsan, iniisip ko bakit ko ginawa 'yon? Kahit hindi naman para sa akin. Hindi ba?"

"Sandra, you just didn't know that is for you because you do not yet experiencing that thing. It's God's plan, so trust him. Trust your path!"

Napatingala ako sa kanya. He really good in advicing. One of his talent? Maybe...

"E, ikaw? Bakit mo ako sinundan? Dapat nagpapahinga ka na."

Naramdaman ko ang kamay ni Zaki sa aking balikat. At naramdaman kong nakasandal na ako sa kanyang dibdib. Ang bango n'ya! Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking kilig.

"Na-miss kita, I miss you," bulong n'ya sa aking tainga.

"Really? Magkasama lang naman tayo, baliw ka talaga."

"Kahit na, nagpapa-good shot ako kay nanay, e. Hindi kita hinahawakan ng ganito at hindi ako nakakalapit ng ganito. Baka kasi magalit si nanay," paliwanag niya na parang bata sa kanyang ina.

"I think, nanay like you. Hindi kasi siya mabilis makuha ang loob. Siguro nagwapuhan lang talaga sa'yo 'yon. 'Di ba?"

Tiningala ko siya at nakita kong apanguso ito. Natatamaan ng liwanag galing sa buwan ang kanyang labi. Ang lambot at ang kintab.

"Hindi kaya, nabaitan siya sa akin. Alam mo namang ang good boy ko."

Napalayo ako bigla sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Sus, ikaw? Baka nga may tinatago ka lang na girlfriend, e."

"Wala, hindi ako yayakap sa'yo ng ganito kung meron."

"Edi fling! Hindi nga pala uso sa inyo ang girlfriend," pang-aasar ko. Nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay. Bahagya akong kinabahan. Masama ba siyang biruin? Joke lang naman!

"When I say I don't have any girl, I don't have. I'm single, gets?" inis n'yang sabi.

"S-Sorry, galit ka ba?" Nakita kong nawala ang inis niyang itsura at lumambot ang kanyang itsura.

"No, of course not, baby." Niyakap n'ya ako at naramdaman kong hinalikan n'ya ang aking noo. Baby? Jusko! Kinikilig ako! Tae, baby n'ya ako?

"Naiinis lang ako, dahil wala naman akong babae."

"Oo na, sorry ulit." Hinigpitan ko pa ang aking yakap sa kanya at dinama ang matigas n'yang dibdib.

"Humarap ka nga sa akin," utos n'ya na sinunod ko naman.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon