Chapter 17

216 7 0
                                        


At the end of the discussion, sumabay ako kina Zaki at Mang Lester pauwi. Pumayag rin kasi si nanay dahil delikado raw.

"Zaki ano ba!" mahina kong singhal sa kanya. Tumawa lang ito at hinawakan pa rin ang kamay ko.

Kung ano-anong sinusulat niya sa palad ko gamit ang daliri niya kaya nakikiliti ako. Ang kulit talaga ng lalaking ito.

Napatigil kami sa pag-uusap nang tumigil ang kotse.

"Gagamit po muna ako ng banyo Sir Zaki at Miss Sandra." Tinanguan lang siya ni Zaki pero ako nginitian ko. Ang bait kaya ni Mang Lester.

Naiwan kaming dalawa na tahimik at biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at ni-check dahil number lang ang nakita ko.

"Sino 'yan? Baka nanloloko lang 'yan," usisa ni Zaki.

Sumenyas ako kay Zaki ng huwag maingay at alam kong nakasimangot siya.

"Hello po! Sino po ito?" bati ko.

Nakarinig ako ng mga ugong ng sasakyan kaya bahagya kong nailayo ang cellphone.

["Alex! Ako ito si Jairus!"]

Napaawang ang aking labi at mahinang napatili.

"Ikaw lang pala 'yan Jai! Grabe, ang bilis mo akong tawagan ha! Kamusta ka na? Hoy grabe ka na talaga ngayon!"

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Zaki at idinikit din ang tainga sa cellphone ko. Tinakpan ko ang cellphone ko at hinampas si Zaki.

"Hoy, ano ba! Huwag kang tsismoso! Shh!" saway ko sa kanya per seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin at hindi umiimik.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa tawag at hindi na pinansin si Zaki. Sinusumpong na naman siya.

"Hello Jai! Ano nga ulit 'yon?"

["Ang sabi ko sa Saturday makakapunta na ako dyan. May nag-alok ng trabaho sa akin, e. Byahe muna ako ha? Tawagan na lang ulit kita!"]

"Sige! Ba-byeee!" paalam ko at pinatau na ni Jai ang tawag. Na-miss ko talaga ang lokong 'yon.

Muli kong binalingan ng tingin si Zaki na nakatingin lang sa may bintana at tahimik.

"Oy! Okay ka lang?"

Hindi pa rin siya nagsasalita o lumilingon sa akin. Aba, nagtatampo nga ata.

"Oy! Galit ka ba?"

"Zakiiiiii! Yuhoooo!"

"Zaki, ano ba!"

"Baby!"

At nagulat ako dahil sa mabilis nitong paglingon.

"What?" masungit niyang sabi. Ngiting nang-aasar ang isinukli ko sa kanya. Kunyari pa siya, gusto lang naman siyang tawaging baby. Akala niya hindi ko alam at tama nga ako dahil effective.

"Bakit ba ang sungit mo ha? Nagseselos ka ba?"

Alam kong makapal ang mukha pero malay ko rin hindi ba. At sabi niya may gusto siya sa akin so...

"Tinatanong pa ba 'yan? Ang saya-saya mo kausap 'yang friend mo tapos sa akin hindi ka naman ganyan kasaya," tampo niya. Hindi ko napigilan na pisilin ang kanyang pisngi.

"Masaya akong kasama ka Zaki, baliw ka ba ha? Kaibigan kita!" At crush kita! Hindi ko talagang ugali na umamin dahil nahihiya ako. At kailangan kong mag-focus sa career bago sa love life.

"Yeah, you're my friend. Tulog lang muna ako," tipid niyang sabi at pumikit na.

Pinagmasdan ko na lang siya dahil alam kong na-dissapoint siya sa sagot ko. I'm sorry Zaki, but I'm not sure and I'm not ready.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon