Chapter 12

268 6 0
                                        


SANDRA

Natatawa ako sa itsura ni Zaki dahil para siyang matatae na ewan.

"Ano ka ba, mabait sila. 'Wag kang kabahan, para kang ewan."

"Pinagtatawanan mo pa talaga ako. Baka kasi magalit sila, sabi mo strict," nakasimangot n'yang sabi.

"Whatever, tara na." Natanaw ko si nanay na nagdidilig sa kanyang pinakamamahal na halaman. Ang ikalawa n'yang anak.

"Nanay!"

"Anakkkkk! Na-miss kita!" bati n'ya at binitawan ang hose para lumapit sa amin.

"Miss na rin po kita!" Niyakap ko siya ng mahigpit at bahagyang lumayo.

Nakita ko ang paniningkit ng mata ni nanay nang tumingin sa likod ko.

"Wala ka pang isang buwan sa Maynila, Sandra."

Napakamot ako sa ulo dahil alam ko gusto n'ya iparating.

"Nanay, kaibigan ko si Zaki. Nasiraan kasi siya at naiwan ang wallet. Naaawa akong iwanan, so ayun... " paliwanag ko.

"Magandang aras po!" Nanlaki ang mata ko nang nagmano si Zaki.

"Aba, napakagalang! Tawagin mo akong nanay, pumasok ka. Tara na Sandra!"

Para akong napatulala sa kanila sandali. Ang bilis ni nanay magbago ng isip. Mabuti na lang hindi ko 'yon namana sa kanya, parang baliw lang.

"Opo!" Isinakbit ko ang magaan kong backpack at sumunod sa kanila. Okay, si Zaki ang anak at ako ang bisita.

"Nako, ang gwapo-gwapo mo naman. Wala ka bang girlfriend?" tanong ni nanay.

"Wala po, pero may nagugustuhan," sagot ni Zaki. Napataas naman ang kilay ko. Sino kaya 'yon? Swerte naman, maitanong nga mamaya.

"Aba, ligawan mo na. O, siya kumain na kayo at naging mahaba ang biyahe n'yo. Sandra, dalian mo!"

Napasimangot ako dahil mukhang mapapahiya pa ako kay Zaki. Nanay naman e!

"Opo! Ipapasok ko lang po itong gamit ko." Kinuha ko na rin ang gamit ni Zaki at dinala sa isang bakanteng kwarto. Isa lang naman ang bakanteng kwarto rito sa amin dahil hindi naman gaanong malaki ang bahay namin.

Napangiti ako nang makarating sa dati kong kwarto. Na-miss ko ito, may double deck dito at sa baba ako natutulog. At ang pamangkin ko naman sa taas, bali dalawa kami sa kwartong ito.

Nandito pa rin ang hello kitty na kumot, punda ng unan, bedsheet at kurtina. Pink ang pinture nito kaya girly talaga tingnan. I love pink!

Ibinaba ko na ang gamit ko at dinala naman sa kabilang kwarto ang gamit ni Zaki. Akala ko pa naman magsusungit si nanay pero mali pala ako.

"Ang sarap po ng luto n'yo!" pangbobola ni Zaki.

"Nako, salamat! Kumain ka pa nang marami."

Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang ulam. Parang nagningning ang mata ko nang makita ang sinigang na baboy. My favorite!

"Kalma ka lang anak, kayo lang naman ang kakain kaya hindi ka mauubusan," paalala sa akin ni nanay pero tinawanan ko lang siya.

Na-miss ko ang luto ni nanay. Pinakamasarap ang luto ni nanay!

"Alam ko na kung saan nagmana si Sandra sa pagluluto. Ang sarap po!" Napatawa naman si nanay kay Zaki. Halata ngang sarap na sarap siya.

"Huwag n'yo akong bolahin. Magwawalis muna ako ng harapan, kumain na kayo at magpahinga," bilin ni nanay sa amin at humarap sa akin.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon