Chapter 14

256 7 0
                                        

"Gusto mo bang mamasyal Alex mamayang hapon?" tanong ni Jai habang hinahatid ko siya sa labas.

"Uuwi na rin kasi ako mamaya. May trabaho na ako bukas, e. Next time na lang!"

"Bibisitahin kita sa Maynila kapag lumuwas ako," nahihiyang n'yang sabi habang nakalagay ang kamay sa batok.

"Okay! Sabihan mo ako, eto number ko." Binigay ko ang phone ko at nakita kong kinopya n'ya yon.

"Salamat Alex, sayang at kailangan ko na umali. Babawi ako, una na ako. Pakisabi na lang kay tita, thank you!" Hindi ko inaasahan ang paghalik n'ya sa aking pisngi. Hindi ko siya magawang kawayan ng sumakay na ito sa kanyang trycicle.

Hindi naman siya ganoon dati, siguro gano'n lang talaga siya ngayon. Pagharap ko ay bahagya akong napahawak sa dibdib.

"Zaki naman! Para kang tuod na nakatayo d'yan!" inis kong sabi.

Nakakagulat talaga ang lalaking ito.

"Kiss huh? You enjoyed it?" madiin n'yang sabi. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Okay ka lang? Galit ka ba? Nabigla rin ako sa ginawa ni Jai, e. Tara na!" Hindi ito nagsalita bagkus hinila ang aking pulso.

"Saan ba tayo pupunta?"

"D'yan lang sa duyan," sagot n'ya. Okay! Parang sumungit siya, kung ano-ano na ang napapansin ko. Nilibot ko ang aking tingin sa munti naming hardin at napangiti. Dahil mahilig si nanay sa mga halaman ay nakahiligan ko na rin ito.

"So, who's that boy in your life?" tanong n'ya at umupo kami sa duyan.

"Childhood friend, gano'n. Bakit mo natanong?"

"May gusto siya sa'yo! Gusto ka pang maka-date, no way," masungit na sabi.

Napahalakhak ako sa kanya dahil ang cute niya. Imposible namang magustuhan ako ni Jai dahil ang alam ko may girlfriend 'yon dati.

Hinarap ko siya at pinaglayo ang magkasalubong na kilay.

"Wala lang 'yon, baliw ka. At hindi n'ya ako gusto. Kaibigan lang talaga!"

"Totoo?"

"Oo nga! Tsaka kung sakali man na gano'n nga, may iba naman akong gusto," paliwanag ko.

"Sino? Sinabi mo rin 'yan kanina noong nag-breakfast tayo. Tell me!"

"Ayoko nga, tsaka hindi mo naman kilala. At ano 'yung pinagsasabi mo kay Jai na nililigawan mo ako? Baliw ka ba?"

Napabuntong-hininga siya at tumango-tango.

"Well, dapat magpapaalam ako sa panliligaw sa'yo ngayon. Kaya lang, umepal ang Jairus na 'yon. Nasira tuloy ang plano ko," inis na sabi ni Zaki at magkasalubong na naman ang kilay.

Napatigil ako habang pinipilit na intindihin ang sinabi ni Zaki. Is he for real? Kakakilala lang namin and to think na wala pa akong gaanong alam sa kanya.

Crush ko siya and I don't know kung gusto ko na siya pero hindi ako tanga para sumugal sa alam kong walang kasiguraduhan.

"Err, hindi ko alam Zaki pero masyado kang mabilis to think na kakakilala pa lang natin. Baka naman attracted ka lang?"

"I like you, pero siguro nga masyado akong mabilis. Hindi kita pipilitin basta let me show that I like you." I'm not sure if I like you too Zaki pero we need time to know each other.

"Okay," mahina kong sagot at tinanaw ang kalsada. Napakunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na kotse.

"Zaki, 'yon ba ang kotse mo?" Nilingon ko si Zaki pero tulog na ito. Ang bilis naman!

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon