Chapter 20

227 6 2
                                        

Matapos namin kumain ay naglibot kami sa mga tindahan. Nakabili kami ng bracelet at syempre binilhan din namin sina Ysmael at Ruby. Baka magtampo pa sila.

"Tapos ka na ba bumili?" tanong ni Diamond.

"Oo, okay na 'to. Balik na tayo ng room, baka hinahanap na tayo ni Cyrel." Bigla akong napatigil nang maalala ko na hindi ko pa nabibilhan si Alice.

Medyo malayo lang naman kami sa tindahan kaya naman bibili na rin ako, kaysa naman bumalik pa ako mamaya.

"Wait Dia, balik lang ako. Nakalimutan ko bilihan si Alice, baka magalit sa akin. Mauna ka na, alam ko naman ang daan."

Tinaasan n'ya ako ng kilay.

"Are you sure? I can wait you here naman. Dali na!"

Mainit at ayaw kong masunog ang balat n'ya kaya naman pinilit ko siya na mauna na.

"Hihintayin kita sa kwarto ko ha? Sabay tayong mag-lunch! Mag-text ka kung hindi ka makabalik! Ang init na, bilisan mo na rin." Kumaway na lang ako sa kanya at patakbong bumalik sa tindahan ng accessories na gawa sa sea shells at beads. Sobrang creative ng gumawa sa totoo lang.

Mahaba ang pila nang makabalik ako kaya alam kong matatagalan ako. Pumili ako ng bracelet at hikaw para kay Alice dahil hilig n'ya 'yon. Pumila na rin ako para hindi maunahan.

Napangiti ako dahil alam kong magugustuhan n'ya ito. Tinitigan ko ang bracelet na may beads at sa loob nito ay may buhangin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ang hikaw naman ay sea shell na may kumikinang na nakadikit.

Habang pinagmamasdan ko ang mga hawak ko ay naramdaman ko na pumulupot na braso sa aking bewang kaya natuod ako sa aking kinatatayuan. Sa taranta ko ay agad kong tinapakan ang paa ng nasa likod ko. Tumakbo agad ako paalis ng pila.

"Hey! It's me!" sigaw ng kung sino kaya lumingon ako. Dahil sa sinag ng araw ay hindi ko agad ito maaninag.

Napaawang ang aking labi nang makita kung sino 'yon.

"Z-Zaki?" bulong ko.

"Hey, I'm sorry. I do not intend to scare you. Sorry!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Hinila ko ang kamay ko dahil nabigla ako. Umiwas ako ng tingin at tumalikod. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita at alam kong may iba na siya dahil nakita ko siya noon. Sinungaling talaga ang ibang lalaki!

"I need to go, I'm busy." Bumalik ako sa tindahan at agad na binayaran anh binili. Kailangan ko na talagang umalis at baka hinahanap na rin ako nina Dia at Cyrel. Baka mapagalitan ako, nakakahiya sa kanila.

"Wait Sandra!"

Hindi ko siya pinansin at inilagay ko na ang binili ko sa bag ko. Tumakbo ako para makarating agad sa hotel. Lumingon ako sa aking likod at nakita ko na wala na si Zaki. Salamat naman!

Malapit na ako sa pinto ng hotel nang biglang naramdaman ko na lang na umangat ako. Hindi agad ako naka-react dahil sa gulat. Napagtanto ko na si Zaki pala ito. Nakakainis!

"Ano ba! Ibaba mo nga ako!"

"No, we need to talk. Masyado ka nang nasasanay na wala ako. Ayoko ng gano'n."

Binuhat n'ya pala ako na parang bagong kasal at ramdam ko ang tingin ng mga tao. Dahil nahihiya ako ay hindi ko maiwasang isiksik ang aking mukha sa kanyang dibdib. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at alam kong na-miss ko ang amoy na 'yon.

"Damn baby! Stop doing that," mariin n'yang sabi at lalong humigpit ang hawak niya sa akin.

"Ibaba mo na sabi ako!" inis kong sabi at hinampas ang kanyang dibdib. Ngumisi siya sa akin kaya lalo akong naasar.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon