"Ikaw may gawa nito? Talaga?" gulat kong sabi. Madaming pagkain may waffles, mga prutas, may manok at baboy. Meron itlog at kanin. May mga cupcake pa at soda.
"Uhm, yeah, is it bad? Pinabantayan ko lang kanina sa kaibigan ko."
Umiling ako at napakagat ng labi.
"Gustong-gusto ko, first time ko kasi. Nagulat lang ako kasi hindi ko inaasahan na maiisip mo 'to. Akala ko dadalhin mo lang ako sa isang kainan, since you're so serious and sometimes silly. Nakakagulat lang," paliwanag ko.
"Well, I love to put effort on the special day of my life. Kaunting effort lang, pero sana ma-appreciate mo."
"Oo naman, sobra nga 'to e. So, ano pang hinanda mo?"
"Secret! Let's eat?"
"Okay, ganito, ako mag-d-decide ng kakainin mo. And syempre ikaw naman sa akin. O-Okay lang ba?"
Hala, masyado na akong feeling close. Nakakahiya, baka ma-turn off siya. Teka nga, pake ko naman kung ma-turn off siya? Ay nako ewan!
"Of course, I'm happy that you're a little bit comfortable on me. Gusto kong mangyari 'yon," nakangiti n'yang sabi.
"S-Salamat, akala ko na-offend ka. Okay ako muna ang una!"
I excitedly check the foods. Ano kaya ang bagay?
Tiningnan ko ang kabuuan ni Zaki and mukhang healthy naman siya. Papayag kaya siya kung puro fats and madaming calories ang kakainin n'ya?
Let's see..."Pork, rice, and... an apple for you Sir Zaki! Of course the soda! Ayan!" I winked on him. Umiwas siya ng tingin kaya naman napatawa ako.
"Okay, it's delicious so I don't have any complains. It's my turn!"
"Seryoso ka? Kasi mamantika 'yan tapos calories. Tapos maraming sugar content ang soda. Baka tumaba ka!"
Hinawakan n'ya ang aking pisngi at pinisil.
"Wala akong paki sa figure ko. Basta bigay mo, I'll accept it. Don't worry, I'm going to gym with you. Okay?"
"Sige, basta walang sisihan ha? Baka kasi... "
"Stop it, it's okay baby. No need to worry." Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.
Baby? Talaga bang sinabi n'ya 'yon? Siguro nabingi lang ako, assuming ko. Pero kikiligin na sana ako, kaso 'di naman totoo.
"O-Okay, so ano 'yung aking kakainin?"
"Do you like chicken wings? Or eggs? Diet ka ba?"
"I won't answer that. I don't need to complain sir!" At tumawa kaya naman napatango siya.
"Okay, you'll eat chiken, rice, water and waffles. I'm the one who cook this so you need to taste it. Let's eat!"
"Huwag mo akong niloloko ha! Kung nagpapalakas ka, no need. Napasaya mo na ako! 'Wag ako haha!"
"I'm hurt, don't you trust me? I'm the one who really cooked this. Ako lang naman mag-isa sa condo."
Umiwas siya ng tingin sa akin at kumain nang tahimik. Nakonsensya naman ako kaya hinawakan ko ang braso n'ya.
"S-Sorry, naniniwala na ako. Ngiti ka na, ang gwapo mo!"
"Okay, kain ka na," sagot n'ya at kumain ulit. Mukhang nasaktan ko talaga siya.
Ano'ng gagawin ko? Bahala na! Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi.
"T-Thank you so much!" Kumain na lang ako dahil sa hiya. Palihim ko siyang tiningnan at natawa ako dahil namumula siya habang nakatulala.
![](https://img.wattpad.com/cover/250200677-288-k238389.jpg)