Ala-singko pa lang ng madaling araw ay nag-ayos na ako para sa pag-uwi ko sa Cavite. Hindi ko na kailangan magbaon ng gamit dahil mismong bahay namin ang uuwian ko.
Sinigurado kong dala ko ang wallet, cards at importanteng bagay. Gusto ko na sanang dalhin dito sa Manila si nanay kaya lang alam kong hindi siya.
Mahal n'ya ang Cavite at hindi rin siya mahilig sa byahe kung saan-saan. Tuluyan na akong lumbas ng kwarto pagsapit ng ala-sais at nagluto para sa almusal. Maaga akong aalis para iwas traffic.
Nagluto ako ng tocino at itlog para sa ulam namin. Kumain ako at tinakluban ang ulam para kay Alice.
Sinilip ko si Alice sa kwarto n'ya para sana magpaalam pero tulog na tulog ang luka. Nag-iwan na lang ako ng note at pera para sa bills. I kissed her cheeks bago umalis. I'll miss her kahit sabihin nating dalawang araw lang 'yon.
Tahimik akong lumabas ng condo at dumeritso sa bus terminal. Malalanghap ko na naman ang sariwang hangin at malayo sa maingay na lugar. Malaki ang populasyon sa Cavite but the tress, farms and parks will make you relax and at peace.
Ilang oras din akong nag-intay at nakasakay na rin sa bus. Hindi ko alam pero inaantok ako. Sabagay, maaga kasi akong nagising.
Nagbukas ako ng cellphone at nakita ang sandamakmak na text at tawag ni Alice. Lagot!
Alice:
You! Bakit hindi ka nagpaalam?! Ni-load-an kita! Call me!
At marami pang iba. Tinawagan ko na si Alice dahil baka masabunutan ako. Ilang ring pa lamang ay sinagot na agad.
["Hello! Hoy babae! Where are you now huh?"]
"Kalma, nasa bus na ako. Pasensya na dahil hindi ako nakapagpaalam. Ang sarap kasi ng tulog mo."
["Fine, pasalamat ka masarap 'yung breakfast kanina. Papasok na ako sa trabaho, please be safe. And uwian mo ako ng delicacies d'yan!"]
Napatawa naman ako sa kanya. Akala ko pa namana diet siya.
"Oo na, promise! Bye na, inaantok ako."
["Wow ha! Hmp, fine. Ingat, k bye!"] At biglang pinatay ang tawag. Napatawa ako dahil alam kong naasar siya. Baliw talaga 'yon.
Umubob ako sa aking bag at akmang pipikit nang may umupo sa tabi ko. Gumawa iyon ng malakas na paggalaw kaya napatunghay ako.
"Sorry mi-"
"Zaki?!" Tiningnan ko ang kabuuan n'iya at napamaang ako sa suot n'ya. Naka-suit siya at may dalang bag. 'Yung parang sa laptop...
"Bakit ka nandito?" tanong ko. Inabutan ko siya ng panyo dahil pawis na pawis siya.
"Nasiraan kasi ang kotse ko, so I don't have choice but to ride here." Ibinaba niya ang kanyang bag at nagpunas ng pawis.
"E, paano ang kotse mo? Baka mawala 'yon or ipahila sa ano. Basta 'yon!"
Pinisil n'ya pisngi ko kaya napatikom ang bibig ko.
"Nando'n naman ang driver ko. Don't worry about my car. Instead of worrying of my car, worry about me. Okay?" Parang tanga akong tumango at dahan-dahang tumingin sa bintana.
Ang lakas ng epekto n'ya sa akin. Para akong nahihipnotismo sa mga mata n'ya. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman na nang-iinit 'yon.
"Pero ang galing, dito ka pa sa bus kung saan ako nakasakay. What a coincidence!""Malay mo hindi coincidence... "
"Huh? Edi ano?"
Umiling siya sa akin at isinandal ang ulo sa aking balikat.