SANDRA
Gabi na at hindi ko pa rin nakikita si Zaki. I checked his unit pero walang sumasagot, pati na rin sa mga text ko.
I decided to go on their bar, hinhintay ko lang si Alice na mag-ayos.
"Let's go! I'm ready na!" sigaw n'ya kaya pinagmasdan ko ang suot n'ya.
Nakasuot siya ng red strapless dress and silver heels. I'm worried about her dress.
"Hindi kaya mahulog 'yan?"
"Malaki ang dede ko, kaya keri lang! Tara na nga," aniya at hinila na ako. Croptop at jeans ang ang suot ko with black heels. I need to practice wearing that since I'm having more activities.
"Nga pala, ano bang nakain mo at niyaya mo akong mag-bar? This is not so you, girl." Napairap naman ako sa kanya. Sumakay na ako sa kotse n'ya at pinanood siyang paandarin ito.
"Gusto ko lang talaga makita si Zaki, hindi kasi siya sumasagot, e." Malakas si Alice na tumawa at hinampas pa ang aking hita.
"Love is powerful talaga, look you're doing you don't want. Well, pabor naman ito sa akin," natatawa n'yang sabi. Love? I don't know kung mahal ko na siya. All I know is I like him.
"I like him, not love."
"Really? Okay, sabihin nating pagdating natin doon makikita mo si Zaki... "
"Iyon naman talaga ang pinuntahan natin," mabilis kong sabi.
"...may kasamang babae. What do you think?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Syempre... hindi ko alam," mahina kong sagot. I'm really don't know what will I do kung makita ko siya sa ganoong sitwasyon. Siguro masasaktan ako pero hindi ko yata kaya siyang harapin.
"Natahimik ka 'no? Alamin mo ang feelings mo habang hindi pa huli ang lahat," paalala n'ya sa akin at naunang lumabas. Ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib kaya kinuha ko ang gamot ko at ininom ito agad. Lagi kong dinadala para sa mga ganitong sitwasyon, lalo na kapag pagod na pagod ako.
"Relax Sandra," bulong ko sa aking sarili.
Inilabas ko ang ID ko at ipinakita sa bouncer. Pinapasok ako at sinalubong ako nang nakakabinging sigawan sabay ng tugtog. Hinanap ko si Alice pero sa dami ng tao sa dance floor ay mukhang maliliyo lang ako.
Nabunggo ako ng ilan kaya naman mas lalo kong binilisan ang lakad ko. May nakita akong waiter kaya naman lumapit ako para magtanong.
"Excuse me po, saan po banda ang office po ni Zaki?"
"Gomez po ba? Nako roon po sa taas, tapos last door po." Nagpasalamat ako at nakipagsiksikan pataas dahil nahihilo na ako sa mga ilaw. Sana nga lang ay nandito si Zaki para naman may mapala ako.
Habang nakikipagsiksikan ay naitulak ako mabuti na lamang ay napasandal ako sa isang poste. Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya napatingin ako.
"Hello bebe ni Zaki! Nandito ka pala!" sigaw ng lalaking nakilala ko noon rito sa bar. I can't remember his name dahil ang tagal na no'n.
"Hello? I know you, but not your name!"
"Okay lang! Lakas mo sa akin e! Tara samahan kita!" Niyakap n'ya ako para maiwasan akong maitulak ng ibang tao. Komportable pa rin naman ako dahil may distansya pa rin kami.
Biglang bumukas ang pinto at gulat kaming nagkatinginan ni Zaki. Binitawan agad ako ni Bar Guy.
"Dude, I can explain!" I saw Zaki glaring at him kaya naman lumapit ako sa kanya.
"Zaki!"
"Baby, what are you doing here?" Niyakap n'ya ako at hinalikan ang aking noo.
"Binibisita lang kita, wala ka kasi sa unit mo." Hindi siya sumagot sa akin 'yon pala ay sinasamaan pa rin ng tingin ang lalaking nakasalubong ko kanina.
