Chapter 16

233 8 0
                                        

Natatawa kaming pumasok sa appliances store. Naalala na naman namin ang malakas na dighay ni Zaki.  That was epic!

"Nanay, inaaway na nila ako kaya pigilan niyo 'yang tawa mo. Please?" nakasimangot na hiling niya kay nanay na nagpipigil ng tawa.

"Okay, stop na kami ni Mang Lester. So, bakit tayo nandito?" tanong ko at nilingon-lingon ang mga malalaking TV. Grabe, nakakalula ang presyon.

"Bibili ng appliances Sandra," pilosopong sagot niya.

Oo nga naman, nakakainis talaga ang Gomez na 'to.

"E, ba't ka bibili? Wala ba kayong TV? Ikaw wala huh?"

"Sino ba ang may sabi na akin? Ibibili ko si nanay ng TV."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig 'yon. Si nanay? Alam kong hindi tatanggapin ni nanay 'yon. Masyadong mahal ang TV kumpara sa damit na binili kanina.

Hindi naman kami mukhang pero o abusado kaya sapat na 'to sa amin.

"Hijo, hindi ko kailangan ng TV. Itabi mo na lang 'yang pera kapag may kailangan ka," malumanay na sabi ni nanay.

"Pero sira po ang TV niyo. You can't watch some dramas or movies. Kung sa radyo kayo aasa, maririnig lang naman 'yon nanay. Hayaan mo na po ako," pamimilit ni Zaki.

Hinawakan ko si Zaki sa braso kaya napatigil ito.

"Zaki, okay na kami rito sa binili mo. 'Wag ka nang mag-abala at ang mahal dito kung hindi mo alam. Kaya tara na!"

Umiling siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Napatitig ako roon at napaiwas din agad.

Lumapit siya sa akin at itinapat ang bibig sa aking tenga.

"I like you baby, but you're not the boss today. Okay?" bulong niya at napatulala na naman ako. Potato ka Zaki! Sinamaan ko siya ng tingin pero ang lalaking 'yon ay inakbayan si nanay at ngumiti sa akin ng nakakaloko.

Nakailang libot na kami rito sa store para sa washing machine at TV na gusto ni Zaki para kay nanay. Kanina ko pa sila pinagmamasdan dahil parang sila pa ang mag-ina kaysa sa amin.

"Ang kulit talaga," bulong ko. Ang mahal kasi ng washing machine na napili dahil automatic na 'yon. Pakamay o brush lang kasi kaming naglalaba ni nanay dahil masyadong mahal ang washing machine at kaya ko namang maglaba gamit ang brush.

Lihim akong napangiti nang maluha si nanay dahil sa bigay ni Zaki. Kagaya niya ay mababaw ang kuha ko, emosyonal talaga kami.

"Tahan na nanay, regalo ko sa inyo 'yan dahil ang bait-bait niyo sa akin. Dahil itinuring mo akong anak," malambing na sabi ni Zaki at niyakap si nanay.

I mouthed 'thank you' to Zaki for being a son to my mother. I know that I can't afford to give my mother some things like that. I'm not yet starting, humahakbang pa lang ako sa future namin.

But I promise to myself that I will give my mother a better life. Kung saan hindi na siya mapapagod sa kakalako ng tinda niya.

"Salamat hijo!"

"Always welcome nanay. May gusto pa ba kayong puntahan?"

Sumunod ako kay Zaki at nang tumigil sila ay napatigil din kami.

"Kayo ba?"

Umiling ako dahil pagod na ako at masyado na ring nakakahiya kay Zaki. Marami na siyang nabibili para sa amin at alam kong libo-libo na 'yon.

"Wala na, kayo ba nanay? Pagod na po ako e, may byahe pa mamaya," sagot ko at hinaplos ang batok ko. Sumasakit ito kakalingon kung saan-saan, ang hirap maging usisera.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon