"Pasensya na po sa abala kuya. Uhm, iuuwi na po namin siya. Salamat po ulit!" saad ng lagi niyang kasama.Tumango ako sa kanila at pumunta sa table ko. Mabuti naman at makakapagpahinga na ako.
SANDRA
Ugh! Mariin kong pinikit ang aking mata dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw at isabay pa ang sakit ng ulo. What happened to me?
Pagmulat ko ay tumambad sa aking harapan si Alice na nakapamewang.
"H-Hi! Ano'ng n-nangyari? Aw!" nakangiwi kong sabi. Napahilot ako ng sentido dahil sa sakit ng ulo.
"Hindi mo natatandaan? Uminom ka lang naman ng isang boteng alak. Nalasing ka girl at kung saan ka nagpunta. At nakatulog ka, pero nasambot ka ni kuyang pogi! And si kuyang pogi ay ang lagi nating nakikita na lalaki!"
Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. Totoo?
"Legit ba? Hoy Alice, 'wag mo akong niloloko ha! Aw!" Ang sakit ng ulo ko, kainis. Hindi na ako iinom, natuto na ako.
"Hindi 'no! At ayan nga pala ang gamot, uminom ka na. Inom pa, mahina ka naman pala." Pinaltok niya ako ng unan bago lumabas kaya napasimangot ako.
Ininom ko ang gamot at napagpasyahang maligo. Amoy alak ako, at mukhang baliw.
Ano bang nangyayari sa buhay ko? Hays!
------
Nandito kami sa lamesa at kumakain ng almusal.
"Dahil nagpakalasing ka, hindi tayo nakapag-jogging. Mag-set ka na lang ng araw ng pag-g-gym mo, Wednesday and Sunday will do."
Pwede rin, gusto ko ring gumanda ang katawan ko.
"Sige, aayusin ko 'yan. Pupunta muna ako sa agency to know my schedule. Para malaman ko kung saan ako mag-s-stay. Alam mo namang malayo ang bahay namin."
Nginitian ako ni Alice.
"Basta, welcome ka rito! Sana rito ka na lang, para may kasama ako," nakangusong sabi ni Alice.
"Let's see, nakakahiya rin kasi sa'yo. Anyway, may dumadaan bang taxi sa labas or what?"
"Iba kasi ang daan ko, pero pwede kitang ihatid!" Agad akong umiling dahil sa kanyang sinabi. Masyado na akong nakakaabala.
"No! Ano, kaya ko naman, siguro sa labas na lang ng village mo ako ihatid then ako na lang bahala. Okay?"
"Are you sure?"
"Oo naman, basta gano'n na lang."
Napipilitan itong tumango kaya kinindatan ko siya. I won!
------------
"Thank you po!" Nagbayad ako at lumabas na.
"Salamat po ma'am!" paalam niya sa akin.
Pinanood ko muna iyong makalayo bago pumasok sa ZB Agency.
Sinalubong ako ng bati ng guard. Bumati rin ako at nginitian. The people here is so kind.
"Hi Sandra! Blooming ha!" bati ni Ruby.
"Grabe ka! Anyway, nasaan na si Zia?"
"Nako, may meeting pa. May issue kasing lumabas kay Ysmael kagabi kaya ayon." Tumango-tango ako at umupo sa couch.
"Nga pala, sorry kagabi dahil nawala ako. First time ko kasing malasing and uminom ng gano'n," saad ko.
"Okay lang, ano ka ba! Nagulat nga kami kasi dala-dala ka noong pogi. You passed out in the garden! Baliw ka!"
