Chapter 44

182 5 0
                                        


["Hintayin mo ako r'yan, Sandra. At may good news din ako sa'yo!"] Tumango ako kahit hindi nakikita ni Cyrel. Bigla akong na-excite dahil sa sinabi n'yang goodnews.

"Okay, ingat ka manager!" paalam ko at ibinaba na ang tawag.

I'm wearing a crop top shirt and high waist jeans. Nagsuot din ako ng strap sandals. Pupunta ako ngayon sa shoot in Makati. Kumukuha ako ng ilang magaang projects dahil hindi ako pwedeng umasa sa iba lalo na kay Zaki. Kailangan kong kumilos para sa sarili ko.

Nakapuwesto ako sa may gilid ng parking lot nang may dumaang kotse sa unahan ko. Bumaba ang salamin at walang iba kung hindi si Zaki ang driver.

"Miss, do you love me?" tanong n'ya at kumindat pa.

"Who you? May boyfriend ako," saad ko.

"What's his name?"

"Vincent, that's my best man."

Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Zaki at mabilis siyang lumabas ng kotse.

"What? Zaki ang pangalan ng boyfriend mo," giit n'ya pero inilingan ko siya at nagbigay ng inosenteng ngiti.

"Huh? Ang sabi ko, si Vincent ang best man for me."

"Sandra, sino 'yung Vincent? Your cousin? Your nephew?" sunod-sunod n'yang tanong at hindi ko na napigilan matawa.

"Tatay ko, weak mo namang manghula. Siya ang best man for me, but Zaki Gomez naman ang pangalan ng boyfriend ko." Bigla n'ya akong niyakap kaya niyakap ko rin siya. Isiniksik n'ya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Damn, I love you baby. Pakasal na tayo," bulong n'ya kaya naman hinampas ko siya.

"Bilis, a? Actually, hindi Vincent name ni ama. Vicente talaga pero para maasar, ginawa kong Vincent."

"You're changing the topic. Ayaw mo?"

"Masyado pang maaga, tigilan mo ako Zaki Gomez." Napatingin ako sa pumaradang kotse at lumabas mula roon si Cyrel.

"Tara na!" sigaw ni Cyrel.

Tiningnan ko si Zaki na nagtatakang tumingin sa akin.

"Saan ang punta mo?"

"Shoot sa Makati, mamaya ko pa sana sasabihin sa'yo, e. I need to go, babe. Tawagan na lang kita?" Niyakap n'ya ako sa aking bewang at binigyan ng isang damping halik sa aking labi.

"Please call me, okay? Kung gusto mo sunduin kita, just text me your place. I love you baby, take care." Tumango ako at tinapik ang kanyang kamay.

"I love you, too. Take care also!" sigaw ko at patakbong lumapit kay Cyrel. Nakakahiya kasing paghintayin lalo na at nakikisabay lang ako. I'm now saving a money for a car.

"Blooming!" Napatawa na lang ako sa sinabi n'ya. Hinawi ko ang buhok ko sa likod dahil sumasalimpad ito sa mukha ko.

"Thank you nga pala sa pagsundo. Wala pa kasi akong kotse," saad ko.

"May goodnews ako, at tungkol 'yon sa kotse mo. May alam akong bilihan ng kotse na afford mo, Ford, gusto mo?" Mahal 'yon, a.

"Magkano naman?" Para akong nabingi sa narinig ko. Ang mahal grabe, hindi ko makita kung saang part 'yung afford na word.

"At may goodnews ulit ako," wika n'ya kaya napataas ang kilay ko.

"Ano naman 'yan? Nako, Cyrel ha!"

"Ano ka ba hindi 'yan! May sikat na banda ang gagawa ng music video. Naghahanap sila ng gaganap sa music video since ang song ay about love. I recommend you!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Ano'ng alam ko sa pag-arte? Dati ay gusto kong mag-artista pero jusko wala naman akong talent do'n.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon