Chapter 23

202 6 0
                                        

Sama-sama kaming nag-umagahan ng staffs at ibang model kanina. Hindi ko pa nakikita si Zaki. Hindi naman sa hinahanap ko siya, napansin ko lang naman.

"Mukhang wala si hottie?" Lumingon-lingon pa si Dia sa paligid na para bang hinahanap. Nandito kami sa isang cottage at nakatanaw lang sa dagat.

"Hindi ko alam, at wala naman akong pakialam. Maganda na wala siya para walang mangulit sa akin." Pinaglaruan ko ang suot kong manipis na shirt.

Alam ko namang pinagtitripan lang ako ni Zaki. I'm not the type of girl na maganda, sexy, at higit sa lahat mayaman. Halata namang malayo ang agwat namin. At wala pa rin naman akong balak magkaroon ng boyfriend.

"Really? Okay, If you say so. I wonder bakit ka ganyan? I mean, ang layo mo sa lalaki tapos ang baba ng confidence mo. Like girl, seriously you're beautiful. Lahat tayo maganda at gwapo, duh anak tayo ng Diyos. Kaya tigilan mo ako sa pagsasabi ng panget, hindi sexy or what at baka masabunutan kita." Napangiti na lang ako habang pinapanood si Dia na magtaray. Kahit may pagkamaarte at mataray minsan si Dia ay talagang mabait siya.

"Kasi... mas priority ko ang trabaho? Gusto ko kasi munang makabawi sa nanay ko. I love my mother so much. Kung confidence naman ang pag-uusapan, mababa talaga ang akin. May mata naman ako at nakikita ko ang totoo kaya nakakaramdam talaga ako ng insecurities. Alam ko namang malalampasan ko 'to at matatanggap ko ang sarili ko. Maybe I need a little time to finally accept and love myself. 'Yon!" Tumawa pa ako na para bang biro ang sinabi ko.

"Napakaresponsable mong anak 'no? Ako kasi hindi na need ni dad at mom ng tulong ko when it comes to money. Kahit kasi hindi sila magtrabaho ay may pera sila. Pero bumabawi ako, like date with them or having a heart to heart talk. In that way, I can show how much I love them. Galit lang sila sa pagiging party girl ko, they are protective to me. You know, only child!"

"Ikaw naman kasi, hindi mo gaanong kilala ang lalaki pero sumasama ka. Paano kung may masamang balak sa'yo 'yon? Ewan ko sa'yo Dia, dapat sa'yo kinakadena, e," sermon ko pero hinampas n'ya ako.

"Gosh, I know that! Sa bar na kilala ko ang owners or bouncers ako napunta. And oh, also the bartender. Some of them is so handsome that's why they are my friend. Maingat naman ako, syempre I don't want to get into trouble."

"Mabuti naman at baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." Hindi ko na siya narinig na nagsalita at humilig na lang sa aking balikat.

"It's father's day today. I called my dad earlier and I'm so happy that I'm the one who greet him first. Ikaw? Nabati mo na ang daddy mo?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi nga pala ako gaanong nakakapagkwento sa kanila.

"Well, my father is already in heaven. Namatay siya noong bata pa ako. Kapag nakauwi ako sa Cavite, dadalawin ko siya." Miss na miss ko na si ama.

Ama at nanay ang tawag ko sa magulang ko. Na-miss ko tuloy sila. Ni minsan ay hindi ko nakita ang tatay ko sa panaginip ko mula nang mawala siya. Pero kay nanay at sa ate ko ay nagpapakita siya. Sabi ni nanay ay baka ayaw daw akong matakot dahil paborito ako.

"I'm sorry! Sorry talaga Sandra, I didn't know. I'm so sensitive. I'm sure masakit sa'yo ang nangyari." Napatingala ako nang maramdaman ang luha ko.

"O-Of course, napakabata ko pa Dia nang mawala siya. Naalala ko pa noong burol n'ya, wala akong alam sa nangyayari. Akala ko mayroong may birthday kasi kumpleto ang kamag-anak namin. Akala ko natutulog lang si ama pero habang tumatanda ako na-realize ko na... wala na pala siya. Iniwan n'ya na kami, at hindi ko man lang nasulit. Kasi... hindi ko naranasan na masabitan n'ya ako ng medalya. I'm just a grade two student noong mawala siya. Noong kinder ako, si nanay ang nagsabit sa akin. Noong recognition ko, si nanay kasi wala na si ama, e. Hindi ko man lang siya nagawang maging proud sa akin. Ang sakit Dia, kasi marami akong hindi naranasan kasama siya. Wala na siya e... " Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko kaya napahawak ako. Ang sakit tuwing naiisip ko na wala na talaga si ama.

His PossessivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon