ABC (35) - "Ikaw lang naman ang hindi."

1.8K 46 0
                                    

ABC (35) – “Ikaw lang naman ang hindi.”

Kinabukasan ay pumunta kami sa bahay nila Ome dahil nagvolunteer ito na sa bahay na lang nila kami gumawa ng props. Pumayag naman kaming lahat maliban kay Yuni dahil mas madaling gumawa at makatapos ng props kung nasa malaki kaming space. Akala namin ay nagmamagandang loob lang talaga si Ome , ‘yun pala ay may hidden agenda ang mokong. Hindi lang pala siya, pati ang mga kaibigan niya.

“Tulungan na kita diyan, Yuni.” Nangingiting sabi nit okay Yuni na kasalukuyang nagbubuhat ng pintura papunta kay Ayuii.

Tinitigan siya ni Yuni saglit bago ito umirap at pumayag na din. Malugod namang kinuha ni Ome ang pintura saka nauna na sa pwesto kung nasaan si Ayuii. Nakita ko ang takas na ngiti sa labi ni Yuni dahil sa ginawa ni Ome sa kanya. Leche, pakipot pa si loka.

Dala-dala ko ang pinturang gagamitin ni Kea para sa mga punong pipinturahan niya. Nilapag ko ito sa tabi niya at tinulungan na rin siya sa pagpipinta, habang pinakikinggan ang pagkanta niya ng mga koreanong hindi ko maintindihan.

Sa kanan ko ay sina Veil at CK na naghaharutan. Tumatawa sila dahil sa isang joke ni CK tungkol sa itlog. ‘Yung mga tawa ni Veil na ganun, ‘yung pagkinang ng mga mata niya sa tuwing tumitingin siya kay CK, ‘yung mga ngiti niya, alam ko na ang ibig sabihin. Nahulog nanaman siya sa bangin. Hay! Veil, kailan ka ba matututo?

“Hoy, mamaya na harutan, mag-paint na kayo nang matapos na.” malamig na sabi sa kanila ni Amy. Kaya napaayos ang dalawa.

Isa pa ito, unang kita ko pa lang sa mukha niya kanina ay alam kong bad mood na siya. Hindi naman siya sinasabi kung bakit.

Napatingin ako kay Grey na ngayon ay nakahiga sa isang gilid habang nakikinig ng music gamit ang kanyang headphones. Ewan ko nga sa isang ‘to, pumunta pa dito kung hindi rin naman tutulong, hindi ba? Pero siguro ay nag-away sila ni Amy kaya ganyan siya, silang dalawa actually.

Tumingin ako sa paligid. Nakangiting nagpipintura si Ayuii kasama si Clark na nagpipintura din. Sina Siren, Lyme, Des at Darwin naman ay nagtatahi ng damit na gagamitin sa costumes at props. At sina Trick, Chew, kasama si Rye na nagnanakaw ng tingin sa kumakanta pa ring si Kea ay naglalaro ng basketball sa gilid habang sinisigaw sa isa’t-isa  ang kanilang mga linya para sa musical.

Huminga ako ng malalim, naisip ko, alam din kaya nila? Na ano- shit! Hindi ko pa rin masabi nang deretso dahil naiilang ako. Naiilang pa rin ako. 

Lumabas sina Jerome at Filipina galing sa bahay habang bitbit ang merienda na kanilang inihanda, pinagkaguluhan agad ng mga halimaw ang pagkain na nilagay nila sa mesa. Siyempre, mga patay gutom kami eh.

“Okay ka lang?” biglang tanong sa akin ni Ayuii na tinabihan ako sa pag-upo sa gild ng mesa.

Sasabihin ko ba? Tatanungin ko ba? Pagdating sa mga payo ay si Ayuii ang inaasahan naming lahat dahil malaking tulong talaga ang nagagawa nito para sa amin. Pero hindi ko alam e. Natatakot akong baka pagtawanan niya ako. Siyempre, si Sesha? ‘yung maton, ‘yung boyish niyang kaibigan ay magtatanong tungkol sa love? Anak ng tinapa.

Pero hindi ko na talaga alam ang gagawin ko e. Hindi ko na alam kung anong dapat sabihin, gawin at paniwalaan.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now