ABC (7) – “Shit. Papasalaminan na lang kita, makita mo lang na bagay tayo.”
Hindi pa lumilipas ang ilang linggo at ang rubber shoes ko naman ang nawala.
(F)
Nagkaroon kasi ng contest sa school at per section ang labanan. Nang magkaroon ng free time ang klase ay napagpasyahan na naming pinturahan ang mga props. At dahil takot akong baka mapinturahan ang rubber shoes na suot ko ay hinubad ko ito at nilagay sa may gilid ng classroom.
Nang matapos nang mapinturahan ang lahat ng mga props ay napagpasyahan ko nang maghugas ng kamay. Pero pagkatingin ko sa gilid ng classroom kung saan ko itinabi ang ruuber shoes ko ay nasabi ko na naman ang lahat ng murang alam ko sa mundong ito. PAKSHET.
“Peste! Pati ba naman rubber shoes ko, pinatos pa?”
Napatingin naman sa akin ang lahat ng mga kaklase ko.
“Nakita niyo ba yung rubber shoes ko?” tanong ko sa kanila.
Pero sabay-sabay naman silang umiling.
Tae naman. Napakamot na lang ako sa ulo sa sobrang inis.
“O bakit? Anong nangyari?” tanong sa akin ni Chaser nang makalapit siya sa kinatatayuan ko. May hawak pa siyang paintbrush at may pintura pa siya sa mukha.
Gusto ko sanang tumawa dahil mukha siyang bonakid, batang may laban sa itsura niya pero wala ako sa mood ngayon. YUNG SAPATOS KO!
Sinimangutan ko siya sabay sabing . .
“Kasalanan mo to eh!” sigaw ko sa kanya.
Alam kong parang naging bata ang tono ng boses ko noon pero nakakainis naman kasi eh!
“Ha? Bakit ako?” painosente pa niyang tanong.
“Nawawala yung sapatos ko!”
Para tuloy akong batang nagsusumbong sa tatay niya, eh kasi naman eh! Taragis talaga.
“Ha?” kumunot pa ang noo niya nang sabihin niya iyon.
Pero nang maisip na niya ng mabuti ang sinabi ko, nagsimula nang tumawa ng malakas ang kurimaw.
“Hahahaha! Nawawala ang sapatos mo? Hahahahaha! Nawa- hahahahaha! That’s amazing!” Napahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa.
Pero nang tignan ko na siya ng masama ay pinigilan na niya ang sarili niyang tumawa.
“Ahm Pft! Gusto mo pahiramin ko na lang sa’yo yung sapatos ko? Tutal parehas lang naman tayo ng sapatos. Hahahahahahaha!”
“Subukan mo! Papakain ko sayo yang sapatos mo! Tara nga.”
Hinila ko siya papunta sa classroom ni Paulo. Yung bading na isa rin sa mga chiminiaa ni Chaser, dahil may kutob akong siya ang pumunterya ng rubber shoes ko. Kanina pa kasi niya ako pinipilit na ipa-abor (ipahiram) sa kanya yung sapatos.
Ayoko nga! Ano ako, hibang?!
Katulad rin ng section namin ay naghahanda rin sila para sa nalalapit na contest kaya inexcuse ko muna si Paulo.
At pagkalabas na pagkalabas ng classroom ay tama nga ang hinala ko, suot-suot niya ang sapatos ko. Halatang pinilit lang niya ang malaki niyang paa sa maliit kong sapatos! Nako! Pag yan lumuwang, sisipain ko talaga ‘tong bading na ‘to.
CITEȘTI
A Best friend's Chase (Completed)
Ficțiune adolescenți(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...