ABC (34) – “Mahal kita, Sesha.”
“Pasensya sa istorbo. But it’s a good thing he went straight to your house, well, hindi na ako magtataka.” Sabi ni Ate Elite na sinamahan pa niya ng pagkibit ng balikat habang pinupunasan ang lasing na si Chaser sa kanyang kama.
Kahit medyo nagulat ako nang tumumba sa akin si Chaser matapos niyang kumatok sa pintuan ng bahay namin ay nagawa ko pa rin namang mag-isip ng matino. Hinila ko siya papasok ng bahay at pinahiga sa sala. Hinanap ko sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at tinawagan si Manang Anya para ipasundo siya. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Hindi ako marunong mag-alaga ng lasing no!
“Po?” tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya sa sinabi niyang hindi na siya nagtataka.
“What po?” tinaasan niya ako ng kilay nang sabihin nya iyon kaya natakot na akong magtanong.
“Ah-eh. Wala po. Joke lang po.” Sabi ko na lang sabay pilit na ngumiti bago pa siya bumuga ng apoy.
“Do I look like a monster to you?” tanong niya habang nakatingin sa kapatid niyang bumubulong-bulong ng kung anu-ano.
“….. wag mo kong… please…. Sorry….” Paulit-ulit niyang sabi.
“NAKO, HINDI PO!” kung gaano kaintense ang pagkabasa mo ay ganoon din kaintense ang pagkakasabi ko. Totoo naman e, hindi naman siya mukhang monster. Well, okay.. slight lang! as konting-konti lang talaga!
Narinig kong mahina siyang napatawa dahil sa reaksyon ko. “Well, you sound defensive, so I think I am.”
“… ako….piliin…ako…” tang-ina, ang ingay ni Tukmol! Lalo akong natetensyon kung anong dapat kong isagot sa ate niya!
“Hindi po talaga! Well. Ahm. Slight lang po kasi mukha kayong masungit. PERO SLIGHT LANG PO IYON! KONTI LANG! HINDI NAMAN PO IYON HALATA! AH-AHMM. HINDI! MALI! BASTA SLIGHT LANG PO TALAGA!” shit. Sinabi ko bang mukha siyang monster? What the f-ck. Ipapatapon na ko nito sa labas ng mansion nila.
Inihahanda ko na ang sarili kong para sa pagpapalayas niya sa akin dahil sa kabobohang sinabi ko nang bigla ko siyang narinig na tumawa. NG MALAKAS.
“Hahahahaha!” pati ang pagtawa niya ay sumisigaw ng poise. “You’re funny. You know what? The look at your face when you talk to me makes my day happy. Very happy. ” Sabi niya ng nakangiti. Aba, ginagawa pala akong clown ng isang ‘to. Pero okay lang, ‘wag lang niya ako ipatapon ng diretso sa labas ng bahay nila.
“Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit naging magkaibigan kayo ni Chaser, he loves funny people.”
I love him din po. Bulong ng malandi kong isip na tinadyakan ko papalabas ng aking magulong utak.
“Gusto niya ng mga taong magpapasaya sa kanya dahil hindi namin iyon maibigay sa kanya.” Sabi niya habang nakatingin sa kanyang kapatid at hinahaplos ang noo nito.
Alam kong nagkukulang ang pamilya ni Chaser sa pagbibigay ng atensyon sa kanya. Kaya once in a blue moon lang namin pag-usapan ang kanyang pamilya, kaya hindi niya masyadong kinikibo ang kanyang ate. Dahil hindi niya alam kung paano sila iaapproach dahil hindi niya sila masyadong kilala. Busy ang kanyang mga magulang sa business habang ang ate naman niya ay nasa ibang bansa.
“Thank you.” Napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang sabihin ito.
Tumingin siya sa akin nang nakangiti. The most genuine smile I receieved from her. ‘yung ngiting nagpapatunay na galing siyang langit.
“Thank you for giving him happiness that we should’ve given.”
Biglang may tumusok sa puso ko nang marinig ko iyon mula sa kanya. Dahil hindi ko alam kung saya nga ba ang naibigay ko sa kapatid niya o puro na lang sakit. Lagi ko kasi siyang inaasar, binubugbog at iniinis, at ngayon ay lagi ko pa siyang nakikitang nasasaktan ng dahil sa akin. Napasaya ko nga ba talaga siya?

STAI LEGGENDO
A Best friend's Chase (Completed)
Teen Fiction(Crazy Friendship Series #1) Kailan nga ba nananatiling kaibigan lang ang isang kaibigan? Hanggang kailan nga ba dapat habulin ang isang taong ayaw magpahabol? "Tao lang naman ako, hindi machine." Nanginginig ang kanyang boses. Malungkot ito at m...