ABC (39) - "Let me love you."

1.7K 49 0
                                    

ABC (39) - "Let me love you."

Kasalukuyang nagpapractice ng musical ang mga kaklase ko habang nagtatype ako ng article sa laptop para sa school paper. Next week na kasi 'yung musical at hindi na magkandaugaga sina Aaron dahil hindi pa masyadong malinis ang prod. namin. 

"Chew! Igiling mo naman! Parang kekembot lang, hindi pa magawa!" sigaw ni Aaron kay Chew dahil sintigas ng bamboo organ ang katawan nito habang nagsasayaw.

Mula sa screen ng laptop ay napatingin ako sa mga nagsasayaw sa harapan ko. Nakita kong bumulong-bulong si Chew ngunit hindi ito napansin ni Aaron.

"10 minutes break muna. Baka pagod na sila kaya hindi makasayaw ng maayos." suhestisyon ni Rose sa kanya para kumalma ito.

Napakamot si Aaron sa kanyang ulo ngunit sumang-ayon din. "Sige na nga! 10 minutes lang ah!" 

Nakita kong nag-appearan ang mga barkada nila Ome at tuwang-tuwa sa kanyang sinabi. Nabuwag ang kanilang formation at nagpunta sa kani-kanilang kumpulan.

Umiling na lang ako at napangiti. Paniguradong inuto nanaman ng mga lalaking iyon si Rose para bigyan sila ng break. Alam ko namang walang makakaligtas sa kamandag ng mga kumag na 'yun. kahit ako nga ay hindi.

Muli na lamang akong napatingin sa screen ng laptop ko kahit nararamdaman ko ang titig ni Chaser sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Noong gabing iyon ay hinatid niya ako sa bahay. Hindi ko siya katabi ngunit nararamdaman kong sumusunod siya sa bawat pagliko at hakbang ko. Hindi na niya sinubukang kausapin ako at hindi ko rin naman siya kakausapin kung ginawa niya iyon. 

Gusto kong matuto siya. Gusto kong matandaan niya na mali ang gumamit ng iba. Gusto kongmatandaan niya ang pagkakamali niyang ito.

Biglang may tumugtog na intro ng isang kanta, ayon sa beat nito ay mukhang pang-party ang kantang ito. Nagpapatugtog nanaman sila para malibang kahit pinagbawal na gamitin ang speakers para sa ibang layunin bukod sa musical. Wala e, ganoon talaga, kung ano pa 'yung bawal, 'yun pa ang ginagawa.

Narinig kong nagtilian ang mga kaklase kong babae at pumalakpak naman ang mga kalalakihan. Pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil busy ako sa pagtatapos ng artikulo ko. Konti na lang, malapit na!

"Shit! Sesha! Mamaya ka na mag-type diyan! Kailangan mo atang makita ito!" pangungulit sa akin ni Veil habang niyuyogyog ang braso ko.

"Nagtatype ako, Veil! Ano ba?! Mamaya na!" 

"Stop typing, Sesha. And watch." may awtoridad na sabi ni Ayuii kaya't medyo naguluhan na ako sa aking tinatype.

"Later, Ayuii." 

"Naknamputcha! Tama na 'yan, Sesha!" sigaw ni Yuni sabay sinara ang laptop kaya't nainis ako. Tumingin ako sa kanya at sinigawan siya.

A Best friend's Chase (Completed)Where stories live. Discover now